After getting a cold shower, para naman mahimasmasan ako sa katotohanan, hindi ko na kinain ang ibinigay ni Eunice na breakfast sa akin at wala talaga akong gana. "Are you ready?" Napatingin na lang ako kay Eunice. Katatapos niya lang din mag-shower. "I'm not that excited for the hearing..." Kinakabahan talaga ako ngayon dahil baka walang mahanap si Tiffany na lawyer para sa amin. Napatitig na lang ako sa suot kong orange shirt ngayon. Pakiramdam ko ay guilty na ako kahit hindi naman dahil sa suot ko na 'to. "Let's go," sambit ni Eunice sabay lapit sa akin at nagulat ako nang nilagyan na niya ng handcuffs ang kamay ko. "Para saan 'to?" "For you not to escape." Napa-iling na lang ako. "I won't escape kung iyon ang iniisip mo. Once and for all, gusto kong ayusin ang pangalan ko in

