Maaga pa kaming pumasok ngayon ni Tiffany sa trabaho kahit na kagabi ay we ended up drinking some beer. Mabuti nalang at hindi naman sumakit ang ulo ko ngayon sa ginawa naming ‘yon kagabi. Mas lalo naman kasi akong na-badtrip kaninang umaga dahil ang tahimik kong buhay ay biglang naging magulo. Nasa headline lang naman kasi ako kagabi na ako daw ang secret wife na tinatago ng presidente ng Axon Corporation. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa mga nagaganap ngayon. “Pahamak talaga ang lalaking ‘yon,” bulong ko. Napatingin naman ako kay Tiffany ngayon. Mayroon kasi siyang client kaya hindi ko naman siya maka-usap nang maayos. Iginugol ko nalang ngayon ang sarili ko sa pag-ayos ng ibang assessment ng patients nila Doc Ivory dahil nasa conference meeting sila ngayon. “Good m

