Angela's POV "Pero, Nay, Tay, wala naman po talagang nangyari--" "Nakapagdesisyon na ako, Angela. Hindi ako ipinanganak kahapon para maniwalang walang nangyari sa inyong dalawa! Nakita rin namin ng inay mo ang damit diyan ni Sir Allen at napag-alaman din namin na iniwan mo doon ang damit mo. Hindi ko inaasahang magagawa mo ito sa amin, Angela." Pagpupumilit pa ni Tatay. Ayaw niya akong pakinggan at kahit na anong paliwanag ko ay ayaw na rin niyang marinig. Kahit nakauwi na kami dito sa bahay ay patuloy pa rin akong nagmamakaawa kay Tatay na huwag akong ipakasal kay Sir Allen ngunit wala na akong nagawa ng magdesisyon na si Tatay. Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi, basta ang alam ko ay virgin pa rin naman ako at kaya may dugo sa damit ko ay dahil dumating na ang buwanang dalaw k

