Marami pang pinuntahan sina Travis at Stephany halos nilibot nila ang buong Cebu. Nagpunta pa sila sa Temple of Leah at sa 10,000 roses. Nagkapag-adventure rin sila. Nag-zipline, nag-sky biking, tumawid sa hanging bridge, umakyat ng Osmeña Peak at namasyal sa Cebu Safari Zoo. "Ang cute ng parrot na 'to. Ang sarap iuwi." ani ni Stephany habang pinapakain at hinihimas ang ulo ng ibon. "Be careful, my love." Inalalayan ni Travis si Stephany ng biglang nagpupumiglas ito. Nilubos-lubos na nila ang isang buwang bakasyon nila dahil pagbalik nila ng maynila puro trabaho na naman ang aatupagin nila. "Hay! Ang bilis ng araw." Nakangusong ani ni Stephany habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Parang no'ng isang araw lang silang dumating dito. "'Wag kang mag-alala my love babalik tayo r

