ALIANA Nagising ako sa mahigpit na yakap ni Drake Ashton sa akin. Kaya naman pala ang sikip sa pakiramdam ko. Dahil sa mga braso niyang nakapulupot sa akin. Nakaharap ako sa kaniya kaya malaya kong napagmasdan ang guwapo niyang mukha. Hinaplos ko 'yon sa likod ng palad ko. Napangiti ako dahil ang mga malalago nitong kilay ay salubong. Tila ba meron ito kinaiinisan. "Good morning Master Asthon. Ang guwaapo mo talaga, Master. Nakangiti kong sabi sa kaniya," Anong oras na kaya? Nagugutom na ako, alam ko nilagnat ako kahapon at hindi ako masyado nakakain kaya siguro kumakalam na ang sikmura ko. Ginising ko ulit si Drake, upang makawala sa mahigpit niyang yakap sa akin. "Drake, Drake! Gising na. Master, Drake gising na," tawag ko sa kaniya. "Woi Drake, gising na kasi," ani ko pa ng nanati

