Mayor Dax (POV) Ito na ang araw na hinihintay ko ang malaman ang result ng DNA test namin ni Gretta, napansin ko ng mga nakaraang araw na ilag sila sa akin, nalaman siguro nila na sumakit ang tiyan ko sa pinagawa nila dahil pumunta pa ang kaibigan ko na Doctor dito sa bahay para tignan ako. Nag lagay lang siya ng dextrose at nag reseta ng gamot sa sakit ng tiyan. Ngayon ay okay na ang aking pakiramdam pero dama ko na pumayat ako dahil sa pagtatae ko ng halos isang araw. Pumunta ako sa hospital at kinuha ang resulta ng DNA namin ni Gretta, hindi ko na muna binuksan ito. Tinawagan ko ang aking kapatid na pumunta sa bahay. Kung anak ko si Gretta ay dapat niyang malaman din na may pamangkin na siya sa akin. Napangiti ako dahil malakas talaga ang loob ko na anak ko si Gretta batay sa mga pina

