Aizah Point of View Sa paggising ko ay maraming nangyari na pagbabago sa buhay ko dahil ang totoo kong Tito ay Si Tito Mark at patay na ang tunay kong mga magulang. Pero kahit paano ay ramdam ko parin ang pag mamahal ang mga itinuring ko na tunay na mga magulang sina Mommy at Daddy Clay na buhay na buhay. "Tito kailan dawa ako pwedeng lumabas?" Tanong ko kay Tito Mark na laging nasa tabi ko. "Sa makalawa pa daw." Nakangiting sagot niya. Tumahimik ako at ilang saglit lang ay may naalala ako. "Tito, niyaya ako ni Tito Keith na magpakasal." Mahinang sambit ko at napatigil siya. "Mahal mo ba siya?" Seryosong tanong niya na lumapit sa akin. "Hindi ko alam Tito pero malapit ang loob ko sa kanya, hmmm may itsura naman siya pero ang problema ko ay kapag 28 na ako ay siya naman ay 58, Tito

