Marami ang nagbuwis ng buhay noong araw na 'yon. Marami ang nawalan ng mahal sa buhay pero kinaya pa ring bumangon. Dahil naging abo ang lahat, nilinis na lang ng mga bampira kinagabihan. Ang tao ay siya namang naglinis ng buong bahay, 'yong mga kaya lang nila. Napagpasyahan naming ilibing si Alicia sa malapit lang na kweba. Kahit gano'n ang ginawa niya, niligtas niya pa rin ako. Ligtas ang lahat na nasa banker ng araw na 'yon. 'Yong mga sugatan, nagamot at nabuhay din. Lumipas ang mga araw, napagpasyahan na naming umalis at bumalik sa palasyo. Marami pa kasing kailangang linisin doon, lalo na ang mga taliwas na tauhan. 'Yon nga ang ginawa ng hari pag balik namin. All Ezekiel remaining men pledge their loyalty to me. Pero, I don't trust them still. Maraming araw ang ginugol nam

