Ilang araw din kaming natulog at alam ko iyon. Pero nabulabog kami at nagising dahil sa iyak ni Kaela sa labas ng silid. Or should I say, Keith Mikaela Sobrevilla-Vaughn. Nagmamadali kaming dalawa ni Joahn na nag-ayos, pero di nakaligtas sa mata ko ang tattoo na naging mas matingkad at ang kagat sa dibdib niya. Napangiti ako do'n. Pagkatapos ay lumabas agad kami ng silid para patahanin si Kaela at nagawa naman namin ng nakita niya na kami. Kaela is happy just seeing us. Kasama nito ang lola niya. "Ma." Tawag ni Joahn at niyakap ang ina na ngumiti lang sa kanya. "Pasensya na po, nadamay kayo sa gusot namin." Sabi ko kay Aling Ester. "Wala 'yon anak. Natural lang dahil pamilya ka na rin namin." Nakangiti niyang sabi at binuksan ang braso para mayakap din ako. Bumitaw si Joahn par

