Buong gabing nagkasiyahan ang lahat ng tao, maliban sa mga bampirang tutol sa plano ng hari. Nakaupo lang ang mga ito at para bumubuo na ng plano sa mga isip nila. Alam ko kung ano-ano na ang iniisip nila. Hindi sila papayag na ako ang mamuno sa kanila. Lalo na’t para sa kanila, isa akong langaw na nakaapon lang sa kalabaw kaya tumaas. Para sa kanila, madali lang akong tirisin. ‘Yong madaling tirisin, ‘yon ang naiisip nila noong una. Pero nang makita nila ang kakayahan ko, sa ilang ulit nila akong tinangkang patayin, alam nilang mahihirapan sila. They wanted a king they can control and that is Ezekiel, na may kaniya ring plano lingid sa kaalaman nila. In short, they wanted to kill each other for money, fame and position, for their own gain. Walang kai-kaibigan sa kanila basta iyon an

