Chapter 49 “C-Can you picture it? You and I together…?” HALOS MABINGI AKO sa matinding pagkabog nito. Nakuha pa nga nito mag-echo sa utak ko habang nakatingin kay Wave ng diretso at hindi maialis ang titig. Sinubukan ko umiwas ng tingin ngunit hindi ko nagawa. Paano ko magagawang umiwas ng tingin kung hawak-hawak ng mainit niyang kamay ang palad ko? Alam kong naghihintay siya ng sagot kaya kinuha ko ang palad ko mula sa kanya at saka kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa. “E-Eto naman! G-Gusto mo lang pala magpicture, masyado kang seryoso!” natatarantang saad ko sa kanya. Alam ko sa sarili ko na napakalame ng excuses ko sa kanya. Gusto ko itanong kung bakit… bakit siya biglang nagtatanong ng mga bagay na lalong ikagugulo ng sistema ko? Hindi ba niya alam na mali ‘yon? Na hindi pwede?

