Chapter 44 HINILA AKO NI WAVE PALABAS kung saan iyong photoshoot matapos niya ibigay sa akin iyong suit niya. "Huwag mong sisisantehin si Joy," mariing sabi ko sa kanya. Pero hindi ako pinansin ng magaling kong boss dahil patuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makabalik kami sa mismong office niya. Ni-lock niya pa iyong pintuan at saka pumunta sa sariling kwarto rito sa office niya bago ibinato sa akin iyong spare clothes na meron siya. "Change your clothes first at saka tayo mag-uusap." "Ito talaga ang ipapasuot mo sa akin?" Turo ko sa teeshirt niya. Tinignan niya lang ako ng seryoso na parang nagpipigil ng inis. Wala na tuloy akong nagawa kundi gawin iyong gusto niya. Pagkatapos ko magpalit ng damit ay saka ako bumalik sa kanya. "Huwag mong sisisantehin si Joy." "Ano ba ang nai

