Chapter 21 Sapp's POV Maaga akong gumising para i-meet si Gail. Tumawag siya sa akin kagabi para ayain akong pumasok nang maaga. Dito sa cafeteria ang meeting place namin. Nakita ko naman siyang nakaupo at abala sa pagkakalkal sa bag niya sa sulo. Nayayamot siya habang abala sa ginagawa. Parang may hinahanap siyang bagay na hindi niya mahanap-hanap. Pagkaupo ko ay aburido ang mukha niya akong tiningnan. "Uuwi sana ako sa apartment ko ngayon, best. Naiwan ko kasi 'yong cellphone ko. Lagi kasing tumatawag si Papa sa akin e." Paalam niya sa akin nang malaman niyng wala 'yong cellphone ko niya sa loob ng pack bag niya. "Pasensiya ka na talaga. Ang aga kitang pinapasok tapos iiwan lang kita rito." "Halla! Sigurado ka bang naiwan mo sa apartment mo, best? Baka naman naiwan kung saan. Pwede

