Chapter 26 Sapp's POV Kinabukasan ay maaga akong gumising. Gumayak ako at mabilis na kumain. Sa sobrang aga ko ay gusto kong sunduin si Gail sa bahay nila pero naalala kong hindi ko pala alam kung saan siya nakatira. Balak pa naman naming mag-audition sa mga booths ngayon. Ngayong araw kasi 'yong start. Nakatutuwa kasi sa wakas naitayo na namin lahat ang mga booths. Pagagandahin na lang siguro namin sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga designs and decorations... Nang mapadaan 'tong bus na sinasakyan ko rito sa tapat ng hotel na tinitirahan ngayon ni Mama ay hindi ko mapigilang mapatingin paitaas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Hindi ko sure kung anong dahilan niya. Basta ako, ayaw ko siyang puntahan. Natatakot ako sa hindi ko alam na dahilan. Baka binibigyan l

