Chapter 23

2567 Words

Chapter 23 Ylan's POV "May practice ka ngayon, 'di ba Ylan? Ano pa ang ginagawa mo rito?" Tanong sa akin ni Calix na kapapasok lang rito sa rest house. Wala pang isang minuto ay bumukas ulit 'yong pintuan at iniluwa si Calix. Kumunot-noo siya nang makita niya kaming tatlo rito sa loob. "Oh, kompleto tayo ngayon a!" manghang sambit niya. "Oo nga. Naabutan ko silang dalawa rito." Ani ni Cali habang nagtatakang salitan kaming tinitingnan ni Kai. "Nagmi-meeting 'yong totoong Romeo at 'yong no choice na si Romeo." tumawa siya ngunit sa kontroladong lakas lang para siguro hindi siya magmukhang nang-aasar. Tiningnan ko siya nang masama. Napaso yata siya kasi nag-iwas siya agad ng tingin. Ipinukol na lang niya ang mga mata kay Kai. Alam niyang mas mapagtimpi at mas kalma si Kai kaysa sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD