Chapter 33 Ylan's POV Ang lakas ng tama ng bubwit na 'to para tanungin ako kung may gusto ako sa kaniya. Mabuti na lang good mood ako ngayon. Hindi ko tuloy siya siya nainis. Pagkalapit niya kanina sa amin sa stage ay napansin ko na agad na kagagaling lang niya sa pag-iyak. Medyo namumula-mula kasi 'yong mga mata at tungki ng ilong niya. Hindi ko maiwasang mapaisip kung anong sanhi ng pag-iyak niya. Wala sa sariling napatingin ako sa kaniya. Muntik na akong matawa nag makita ko ang napakaraming nagkalat na mga tissue papers sa sahig. Umiiyak na pala siya habang nanonood. Wala namang nakakaiyak sa pinapanood namin e. Hindi pa nga namin nakalalahati. "Anong iniiyak-iyak mo riyan?" maangas kong tanong sa kaniya. Napapitlag naman siya sa gulat. "Hindi pa ba sila mamamatay?" inosente niya

