CHAPTER 2

3619 Words
2 weeks na kami nagkakausap ni David, wala eh marupok ako haha. 12:03 pm na, nag aantay ako ng sundo ngayon dahil birthday nga ni Mark ngayon, makikikain kami don para naman di sayang ang handa ni Mark haha. David: Amy? David: You're awake na? Me: Tulog pa. David: Kakagising ko lang eh, nipuyat mo kasi ako kagabi Me: Ako pa sinisi mo, sino kayang maharot? David: Ay hahaha sorry akin. David: Kumain ka na? Me: Hindi pa. David: Bakit? Kumain ka na. Me: Punta kasi ako kila Mark, don ako kakain. David: Bakit anong meron kila Mark? Me: Pagbabawalan mo na ba ko? HAHAHA. David: Hindi masyado Hahaha. David: Punta din pala ako kila Kaye. Me: Ah sige, jowa mo? David: Luh selos ka na? HAHAHA Me: Wag ka na pumunta don haha. David: Haha di edep. Baka magalit yun eh. Muntanga tong si David, sino iyong Kaye? Baka daw magalit amp, kala ko ba ako na lang? Hayss kaya talaga di ako masyadong nagpapaniwala sa mga ganan eh. Narinig kong may bumusina sa labas, anjan na sundo ko. Kaya lumabas na ako, nilock ko muna yung pinto ng bahay pati na yung gate. "Bat ikaw ang sumundo sa akin?" Tanong ko agad sa kanya ng makapasok ako sa kotse nya. Si Dave pala yung sumundo sa akin. "Sunduin daw kita eh" Sagot naman nya. "Nakuuu baka naman gusto mo talaga akong masolo" Biro ko sa kanya. Nag make face lang sya kagaya ng lagi nyang ginagawa kapag nilalandi namin sya ni Lori. "Pede din" Sabi nya bigla. It's odd. "Hoy sabi ko na eh may gusto ka talaga sa akin" natatawang sabi ko sa kanya. Joke lang yun naman, crush ko sya pero dati lang yun that was when we're 3rd year. "Kapal mo, bawal na ba kong magjoke?" "Bawal pag ako kaharap mo" After 5 minutes nakarating na kami kila Mark, super lapit lang naman ng bahay nila Mark sa amin, sadyang tinatamad lang ako magpunta mag isa. "Hahatid mo din ako mamaya ha" Sabi ko sa kanya. "May sasakyan si Pia" Sagot naman nya. "Ayoko don, gusto ko ikaw" "Napaka arte" Sabi nya sa akin. "Basta hahatid mo ko later, pakiss nga" Akmang hahalikan ko sya kunware pero pinitik nya ako sa noo. Bumaba na kami sa kotse nya. Hinawakan nya ako sa ulo bago ako itinutulak palakad kaya, habang naglalakad nakahawak sya sa ulo ko. "Pogi, nasasaktan ako bobo" pigil ko sa kanya, binitawan naman nya ako. "Kulit mo kasi" "Wait lang, what do you want tied or not?" Tanong ko sa kanya, buhok ko yung tinutukoy nya. "Not" Sagot nya. Okay haha. "Bat apaka tagal nyo?" Tanong nila agad ng makarating kami sa loob. "Motmot pa muna syempre" Biro ko sa kanilang lahat. "Hoy Mark, pakain aba" Sabi ni Dave kay Mark. "Tara don kayo Kumain sa kusina, nag iinom na sila dito eh. Amy tara" Sinamahan kami ni Mark sa kusina. Agad naman kaming kumuha ni Dave ng pagkain, yung kanya muntik na mapagkamalang tabagan sa dami hahaha. Habang kami ay kumakain si Dave ay hawak nya ang phone nya, marahil ay kachat nya jowa nya. Dahil di naman nya ako kinakausap ginaya ko na lang sya. Makapagchat na lang kay David medyo happy pa haha. Nag chat din pala sya. David: luh di na nga nag reply. David: Huy David: hays magreply ka na poooo. Me: Ingay mo pooo. David: Yowwnnn. David: Antgal mo mag reply eh. Me: Papunta kasi non kila Mark. David: Ah anjan na kayo? David: Sino sumundo sayo? Me: Dave. Me: Kelan ka pupunta don sa Kaye? David: Andito na po ako kanina pa. Me: okay. "Si kuya Jake ba yan?" Biglang tanong ni Dave na katabi ko pa din hanggang ngayon. Si Jake pinsan nya, nagkachat kami non ng ilang beses lang tapos nalaman nung girlfriend nya ayun sinugod ako. "Ako ba?" Tanong ko sa kanya, tumango naman sya. "Hindi ah, baka sugudin na naman ako ng jowa non eh" "Kaya nga wag mo na ichat eh, sinabihan na din ako ni kuya sabihin ko daw sayo tigilan mo na sya". "Kapal naman ng muka nya, excuse me pero sya chat ng chat sa akin, I've ignore him already" "Okay, okay, wag banat" "Tanga mo kasi" Sabi ko sa kanya sabay irap ko pa sa kanya, kaasar. Di ko na sya pinansin at pinagpatuloy ko na lang pakikipaglandian kay David. David: Joke lang, kakarating ko lang din dito. Me: Ano bang meron jan? David: Birthday ni Kaye. David: Should we ditch their birthdays and met up? Me: Wag na, pakalasing na lang tayo. Me: Init init sa labas eh. David: Gusto ko kita makita eh. Me: Titignan mo na lang profile ko. David: Wala ka namang profile eh. Me: Ay wala ba hahaha. David: I was invited pala sa birthday ni Lori, andon ka naman siguro bukas right? Me: For sure. David: Pansinin mo ko bukas ha. Me: Pano si Lori? Me: Gusto mo sya ah? David: Dati. David: Ikaw na ngayon. Me: Korni. "Hoy Amy, kanina ka pa riyan. Don ka na daw" Tawag sa akin ni Mark. Kaya naman tumayo na ako at nag tungo kung saan sila nag iinom ngayon. Pag kaupong pagka upo ko ay pinainom agad nila ako. Mababa tolerance ko sa alak compare sa kanila, pero nakakauwi pa naman ng tino. Basta once I felt na malapit ng mareach yung limit ko I stopped na agad for a while then start drinking again pag nakabawi na. Pagkatagay ko kinuha ko na ulit yung phone ko, halos lahat naman din sila ay sa cellphone lang din nila nakaharap. Ganto kami mag inom talaga pag may nainis mamaya tsaka lang titigil mag cellphone. David: Nag iinom na ba kayo? Me: Uu, bawal ba ko? Hahaha. David: Bawal. Me: Kahit hahaha. Me: Nag iinom na din ba kayo? David: Bible study kami eh. Me: Amfee. David: Jk haha. David: Uu kanina pa sila nag iinom, humabol lang ako "Amy ikaw na ulit" Tawag sa akin ni Lorenz. "Bat ako na naman?" Takang tanong ko kakatagay ko lang eh. "Ganun talaga, lahat ng nag seselpon dalawang beses isang ikot ang tagay" Sabi nya, kelan pa nagkaganong rule? Di kami na inform. Kinuha ko naman yung tagay dahil sila Lori din daw ganon ang tagay. "Ayoko na nga, di na ko mag seselpon" Sabi ko bago ko ininom yung tagay. "Hayan good dog" Sabi naman ni Mark at pinat pa ko sa ulo, hampasin ko nga. Me: Chat you later. Bye. David: Bakit? Me: Bye love you HAHAHAHA. David: Luh, baka maniwala nga ako. Don't me hahah. Me: Maniwala ka lang hahah. Me: Ge na bye na talaga. David: Bye din, loveyou too. HAHAHA. Me: Tangina mo HahHa "Hayan ha, di na ko nag seselpon, mga tanga" Sabi ko kila Lorenz at binaba yung phone ko. Puro boys lang di nag seselpon tsaka si Deign at Raiza. "Sinong kachat mo? Ha?" Usisa ni Mark. "Chika ka, wala akong kachat" Tanggi ko sa kanyang tanong. "Nakuuu" Pang aasar nya pa. "Sino? Sinong kachat?" Tanong naman ni Dave kay Mark. "Wag mo sabihin kung alam mo man, baka mag selos si Dave" Biro ko sa kanila. "Ay wag daw pala hahaab" Sabi naman ni Mark. "Kahalay" Sabi ni Dave haha. "Ichat mo kasi ako para di na ko naghahanap ng iba" Sabi ko, man landi ko ba? Haha. Okay lang yun, bibig ko lang naman yung malandi. Ang FYI I'm still virgin. Never been kissed. Haha char first kiss ko si Mark, second si Dave. Third secret, Fourth secret. The rest is private haha. "Chat mo na nga kasi" Pang gagatong naman ni Mark. "Wag na, Mark ikaw na lang. Mas pogi ka naman sa kanya" Biro ko kay Mark, it's true mas pogi si Mark kay Dave, mas maappeal lang talaga si Dave. "Baka di mo ko kayanin" Natatawang sagot ni Mark sa akin. "Aba bat ako na naman?" Dinig kong reklamo ni Janine. "Ganon nga daw pag nag seselpon dalawang beses isang ikot, kaya nga di na ko nag selpon eh" Sabat ko naman sa kanila baka kasi mag suntukan pa sila dahil sa tagay eh. "Kaya nga, bat kasi kayo nag seselpon? Kami nga di namin ginagalaw ang phone namin eh" Reklamo ni Deign sa kanila. "Kaya nga sana tayo ay nag video call na lamang at nag tagay ng sarisarili" Sabi naman ni Raiza. "Tangina wait lang" Sabi naman ni Pia, baka may bagong bebe kaya di mabitawan ang phone. "Anong weyt lang? Ikaw na tanga" Sabi ni Lorenz sa kanya, at inabutang ng tagay. Sila Lori, Cherry, at Janine naman ay tumigil na kakaselpon dahil sa rule ni Lorenz. "Hoy Amy" Biglang tawag sa akin ni Pia. "Hoy din" Sagot ko naman. "Ikaw to no?" Tanong nya sa akin at iniharap yung phone nya. Lumapit naman ako sa kanya para makita ko ng malapitan yung pinapakita nya. Day sya, Day ni David sa f*******: tangina friend nya pala yun. Sa day nya ss ng convo namin pero naka takip yung mga usapan namin, parang pinapakita nya lang na may kachat sya, pero kaya lang yung pangalan di nya tinakpan. Bobo ba sya o Sinadya nya talagang hindi takpan? "Baka" Sagot ko naman. I'm not admitting anything but I'm not denying anything. "Omaygaadd ikaw na pala ha, kaya pala di na ko chinachat ni David" Sabi naman ni Lori. "Balakayojan hahaha, baka magselos na si Dave" Biro ko na lang. "Oo kachat nga nya si David nakita ko kanina" chik ni Mark, wala na kinompira na ng saksi hahaha, makaamin na nga haha. "Jowa mo na ba?" Gulat na tanong ni Pia, ang oa naman ni Pia tangina haha. "Gagu anong jowa? Kachat lang" Sagot ko naman sa kanyang tanong. "Amy nyo andaming boys" Biro ni Lori. "Tanga ka" Sagot ko na lang. ~~~ Nakakatatlong bote na kami ng alak pero di pa din sila natatamaan. Ako naman feel ko isang inom na lang malalasing na ako. "Pass ako sis, di ko na kaya" Sabi ko kay Lorenz, alam naman nilang ganon talaga ako kaya hinayaan na nila ako. Level 1 ko daw sabi ni Lori pag sinabi kong lasing na ko, Level 2 daw pag kung ano anong sinasabi. Level 3 ko puro english na salita ko and level 4 ko daw sumayaw na and level 5 wasted. "Anjan na pala bisita ko, weyt lang guys" Paalam sa amin ni Mark. "Naol daming prends" Sabi ni Dave. Mayamaya bumalik na si Mark sa amin kasama si Joseph at si Jake. Pati si David. "Suprayss" Bulong sa akin ni Mark. "Sinong surprise mo sa akin jan?"Tanong ko sa kanya, tanga talaga. "Lahat" Natatawang sagot nya. "David dito ka ah" tumayo pa si Mark para ituro yung pwesto nya na kalapit ko. Si David naman sinunod lang si Mark at naupo nga sa tinurong upuan ni Mark kaya ang ensing magkalapit kami ni David. "Hi" Bati ni David, serious mode ata sya ngayon dahil madaming tao. "Hi" Bati ko pabalik. "Mark invited us here kahapon pa, pero pumunta muna kami kila Kaye bago dito" Mahinang kwento nya, sakto lang para magkarinigan kami. "Your close with him?" Tanong ko sa kanya, I haven't seen them together kaya ko na tanong. "Close ko lahat ng kaklase mo, we played games together" Ah I see, mga gamers nga pala sila. "David, seryoso ka ba kay Amy?" Pasigang tanong ni Pia, natawa naman sila Lori. "Gaga ka nakakahiya ka." Saway ko kay Pia. "Don't mind her" Baling ko naman kay David. "Anong nakakahiya don? I literally raised her pangalawang magulang ako nyan, seryoso ka ba dito?" Tanong na naman ni Pia, ang oa talaga nito kahit kelan, literally raised me? Kapal ng muka, magkasama lang kami mula pagkabata tsaka pangalawang magulang amputa haha, mas alagain pa nga yan eh. "Let's just say na he's not para walang aasa" Ako na yung sumagot baka kasi no talaga yung isagot nya eh, para mas maganda pakinggan pag ako sumagot. Di naman sya nag Tanong pa muli, ilag din naman ako sa tanong na yun, miski ako di ko alam kung seseryosohin ko din sya. "Yosi tayo" Yaya sa akin ni Raiza. "Bawal yan nandito kasi yung isa sa kanya mga boys" Pigil ni Cherry kay Raiza. "Anong isa lang? Apat, di ka marunong magbilang" Sabat naman ni Lori, nagpalinga linga si Cherry hanggang sa nagets nya na yung ibig sabihin ni Lori. "You smoke?" Gulat na tanong ni David. "I do" Sagot ko naman, there's no point of hiding, for what naman kasi. "I don't" Sabi naman nya. "Good for you, then" ~~~ Pauwi na kami ngayon, inaantay lang namin si Cherry, lasing na kasi sya pinilit pa namin syang iuwi. "Cherriii, tanga ka bilisan mo na jan" Sabi ni Janine ang kanyang bestfriend sa inuman haha. After how many minutes ay binuhat na sya ni Mark, at isinakay sa kotse ni Pia. Si Lorenz yung mag dadrive sa kotse habang yung apat naman yung sakay, si Lori, Pia, Janine at Cherry. Ako wala iiwan nila haha. David is still here silang tatlo nila Jake at Joseph. "Hahatid na kita" Alok sa akin ni David, kaya lang bago pa ko makasagot ay may nauna ng magsalita. "Amy tara na, kala ko ba ihahatid kita?" Sabi sa akin ni Dave. So susunduin nya yung sinabi ko? Well that's new. "Sorry, I ask him nga pala kanina to drive me home" Baling ko kay David. Matapos ko magpaalam kay David ay sumakay na ako sa kotse ni Dave. "Kaya mo pa ba? Should I drive?" Tanong ko kay Dave, baka kasi mamaya nag papanggap lang syang strong eh.. "Aba syempre naman" Mukang okay pa naman sya nag yayabang padin eh. After ilang minutes lang nakarating na kami sa bahay namin. Mag isa lang naman ako kaya walang magagalit sa akin kung umuwi man ako ng aning oras. "Maraming thanks sa paghatid" Pagpapasalamat ko kay Dave. "Welcome" Sagot naman nya. "Naks haha pakiss nga" Biro ko sa kanya. But nagulat ako sa sunod nya ginwa, he kissed me on my lips. Mabilis lang yung smack lang. "I'm just joking" Mahinang sabi ko. "Well I'm not, I like you" Biglang sabi nya, is he confessing? "What? Lasing ka lang bro." Pilit kong biro sa kanya. "I told you I'm not." "Let's not talk about this, Dave may Girlfriend ka" "But I like you" Giit nya "I'll pretend like nothing happened, like I didn't heard anything" Sabi ko sa kanya at lumabas na sa kotse nya at nag derederetsong pasok sa bahay namin. I have a crush on him but that was before. I didn't see this coming. He has a girlfriend, ayoko ng maging kabit. He has been a great friend of mine, ayokong masira yun. Hays how am I supposed to face him tomorrow for sure magkikita ulit kami dahil birthday ni Lori. I pick up my phone. To read some chat pero kay David lang talaga yung inopen ko. David: At home already? David: Chat me kapag nakauwi ka na. Me: Nakauwi na po. Me: Nakauwi ka na din ba? David: Yes po. David: Kakadating ko lang din. David: should I get jealous of Dave? Me: Why would you? David: Ewan din, I just felt jealous Me: You don't have to, you shouldn't. David: Sorry... Me: Sorry din. But can we talk tomorrow? I'm tired after what happened to Dave and I, I feel exhausted. I hope he's joking, sana bukas wala na lang iyon. I don't want to feel Awkwardness between us. ~~~ Time check it's 9:12 am, kakaligo ko lang dahil pupunta kami kila Lori ng maaga dahil yun ang gusto nya, today's her birthday. I picked up my phone to chat her. Me: Hbd. Sweet right? Lori: Tangina mo, wala man lang emotions. Me: Happy birthday, love you lots. Lori: Yaaaann tangina salamat. Me: Tangina mo din mabuhay ka hangagt kaya mo. Lori: Sana ikaw bukas mamatay na. Me: Isasama kita wag kang mag alala. Lori: Hayup ka. Bilisan mo andito na sila. Me: Pasundo poooo plssss... Lori: Arte, bilisan mo. Me: Sunduin na ko, tapos na ko magbihis. Lori: Huu otw na. Me: Good. Wala akong regalo kay Lori, musya na sanay na yun haha. I'm going to see Dave there, I hope nothing has changed, I hope he'll act like nothing had happened. After a while ay may bumusina na sa labas. Kaya agad akong nag tungo sa labas. Di ko naman kinalimutan na isara yung mga dapat isara sa bahay. "Eh?" Taas ang kilay na sabi ko, kotse to ni David eh. Pumasok ako sa loob and hindi nga ako nagkamali kay David nga ito at sya din yung driver. "Bakit ikaw ang sumundo sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Inutusan ako ni Lori eh" Sagot naman nya. "Next time sa akin ka na lang magpasundo at magpahatid" Sabi pa nya. "Kanina ka pa ba don?" Tanong ko sa kanya. "Di pa ko nakakapunta don, chinat lang ako ni Lori para sunduin ka" Sagot nya. Gago talaga iyong si Lori. Kinuha ko yung phone dahil may nag chat doon. Si Dave pala. Dave: Pupunta ka ba? Dave: Sana wag mo kong iwasan. Dave: Let's pretend like nothing happened last night. Me: Why? What happened ba last night? Dave: HAHAHA your good. Dave: San ka na ba? Sunduin ba kita? Me: Hindi na, may sumundo na sa akin. Dave: Ah sige. Mukang wala naman kaming magiging problema ni Dave dahil he wants to forget na din naman yung nangyari kagabi. "What happened to you last night? You seems like your not in the mood " David asked, he noticed it pala. "Wala baka pagod lang ako kagabi" Sagot ko naman sa kanya. "Ako na maghahatid sayo mamaya ha" Sabi nya sa akin, he's proclaiming. "Bahala ka" Sagot ko sa sinabi nya. "Saglit nga lang pala ako kila Lori" Sabi nya sa akin. "Bakit?" "Sasamahan ko kasi si Kaye somewhere, balik na lang ako after" "Puro na lang Kaye ha, baka magselos na ko" Biro ko sa kanya. Pero napansin ko nga lagi nyang kasama yung Kaye na yun, mamaya nyan jowa nya pala yun eh. "Bestfriend ko yun" "Ipagpapalit mo pa ko don" kunwaring himutok ko. "Babalik pa din naman ako sayo eh" "Nakuuuu" "HAHAHA pede mo naman akong pag bawalan, susundin naman kita" Sabi nya sa akin. "Next time, maaga pa para maging toxic" Biro ko naman. After 10 minutes nakarating na kami kila Lori, apaka bibilis mga nag iinom agad, may karaoke pa, at syempre si Pia at Cherry ang bida sa kantahan. "Amy, kumain na kayo don ng kasama mo" Sabi sa amin nung Mama ni Lori. "Masarap ba pagkain?" Pabirong tanong ko sa kanya, close namin sya lagi kasi kaming narini sa kanila. "Abay syempre ako nagluto lahat nyan" Sagot naman nya. "Sulong na, kumain ka na don" Sabi nya ulit. "Tara daw" Yaya ko kay David. "Baka naman dumaan pa kayo kung saan ha" Pang asar ni Mark sa amin "Syempre nag momol pa" Biro ko naman. "David tara don tayo kumain" Sabi ko, hinila ko sya baka kasi mawala sya eh haha. Kumukaha kami ng pagkain andito kami sa kusina dito nakahain yung food malamang. I want rice mag iisang linggo na ata akong di nag rarice, hindi ako diet it's just that tinatamad akong magluto puro pasta and pizza lang ako this past few days. I saw him putting a ketchup on his plate. "You eat ketchup?" Tanong ko aa kanya. "Why? You don't like it?" "It's disgusting. I don't like the smell" "Am I not allowed to eat ketchup now?" Tanong nya. "Hahaha tanga, it's okay" Pumunta na kami don sa sala kung saan sila nag iinom mas maganda palang kumain doon dahil masaya para naman di kami ma op. "Amy tarika bilis nag lalaro kami" Tawag nila sa akin, umupo ako sa tabi ni Raiza. "Aling game?" Tanong ko naman. "Put your finger down, kung sino yung unang maibaba lahat iinomin yung isang basong alfonso" Paliwanag sa akin ni Raiza, grabe naman yung parusa pamatay. "Sumali ka na Amy" Yaya nila sa akin, kaya wala din akong nagawa sumali na lang ako. Lahat kami nakataas yung dalawang kamay, si David at si Charles lang ang di kasali, mga kj kasi sila haha. "Game Amy ikaw muna mag sabi nung if" Utos sa akin ni Cherry. "Ano... Put your finger down if you're a boy" And as expected lahat ng boys yung nag baba, galing ko no? Hahaha. "Ako naman" Malakas na sabi ni Jason, mukang babawi haha. "Put a finger down if you're wearing a b*a" Tangina haha, all girls have put one finger down. "Ooopps, sorry I'm not wearing a b*a" Sabi ni Pia. "Tangina ni Pia" tawang tawang sabi ni Lori, it explains why she has pillow covering her front. "Next Pia" "Put a finger down if you have kissed someone this week" Palinga linga pa ako kung sino ang mag bababa, only Dave did kasi diba kagabi lang yun. Dahan dahan akong nag baba ng finger. "Hayan napaghahalataan ang mga talandi" Biro ni Hazel. I look at David, he's looking at me. Is he mad? If he is, why? He shouldn't. Nginitian ko sya but he didn't smiled back. "Game, put a finger down if you're not virgin anymore" Only boys did put their fingers down. "Amy" Turo sa akin ni Janine. Judger amputa "Kapal ng muka mo, virgin pa ko kahit ipatest mo pa" GG-ng sabi ko. "Put a finger down if you already drink alcohol today" only I didn't put a finger down. Tie kami lahat 3 fingers palang yung nabababa. "Put a finger down if may nakakachat lately" all of us down
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD