MADALING ARAW nang payagan makauwi ng doctor si Thoie. Tamang-tama rin nang maubos ang suwero niya. Hindi na siya nakatulog pa nang umagang iyon. Ala sais nang umaga nang maabutan niyang nagwawalis na sa harapan ng bahay si Tiyah Sarah. “Ako na ho riyan.” Wala siyang ibang magawa sa loob kaya naman naghahanap siya ng ibang gagawin. “Naku, hindi na, Thoie. Magpahinga ka na lamang diyan.” Ipinagpatuloy ng ginang ang ginagawa. Kahit na kapiranggot ay hindi naman sumama ang pakiramdam niya. Parang nakagat lamang siya ng langgam at dali-dali nang dinala sa hospital. “Okay naman na po ako, Tiya Sarah, parang wala namang nangyari sa ‘kin.” Natawa na lamang siya. “Ako na lamang po ang mamalengke kung gusto n’yo?” Diretsong tumayo ang ginang na napahawak sa likuran nito. “Tamang-tama, hija, na

