Chapter 60 INUMAGA na ng uwi si Frank at nagpahatid lang ito sa taxi. Masakit ang ulo nito dahil sa hang-over at dami ng alak na nainom nito. Sapo-sapo nito ang noo habang naglalakad papasok ng mansyon. “What the… hell! Kagabi pa kita hinihintay sa hospital!” bulalas ni Fatima kay Frank. Hindi pinansin ni Frank ang ina at dumiretso ito sa kusina. Wala siyang balak na makipagtalo sa ina nito. Dahil hanggang ngayon ay puno siya ng pagsisisi. “Frank! Did you hear me?!” Kumuha siya ng tubig na malamig na maiinom at mabilis na nilagok ang isang baso. “Frank! Ano ang tumatakbo sa utak mo! Naglasing ka ba?!” Napabuntong-hininga si Frank at naririndi sa boses ni Fatima. Naghalo-halo na ang lahat sa isipan nito. Ang dami nitong iniisip at hindi na alam paano pa magsisi

