Chapter 38 Warning: This chapter may contain s****l content. Read on you own risk. HINDi lubos akalain ni Madison na ang katulad ni Enzo na isang mabait, mapagmahal at maruga na klase ng tao ay pagtataksilan pa ng isang babaeng minahal niya. Isa pa na kay Enzo na yata ang lahat o sadyang hindi lang marunong makuntento ang ex-fiancee nitong si Naomi. Namasyal sa isla sina Enzo at Madison dahil sa gandang taglay ng isla. Maputing buhangin, malinaw na tubig-dagat at may preskong hangin din dahil sa gubat. Maraming puno at kakahuyan ang isla. Naligo silang dalawa at nilasap ang magandang view. Wala na yatang mahihiling pa si Madison noong oras na iyon. Nang umahon sila ay hinatak siya bigla ni Enzo patungo sa isang maliit na kweba kung saan may tubig na hanggang tuhod.

