Chapter 40 NANATILI siyang tahimik at nakaupo. Pinagmamasdan ang nananahimik niyang nobyo. Galit kaya siya? Halata naman… ano ba’ng gusto niya. Hindi niya man lang iniitindi ang gusto kong iparating. Napabuntong-hininga siya at napahinto si Enzo. Ngunit ilang sandali pa ay bumalik na itong muli sa pagnininga ng mga sanga ng punong-kahoy na napulot nila. “Ehem… sa tingin mo, makakauwi na tayo bukas?” singit niya. Sa totoo lang ay kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung paano magtampo si Enzo. Ngayon lang sila nagkasama ng ganito katagal. Hindi niya man lubusang kilala ay alam niyang mahal niya si Enzo. “I don’t think so,” tipid na sagot nito. Kinagat niya ang pang-ibabang bahagi ng kaniyang labi. Hindi siya sanay na ganoon kalamig ang pakikitungo nito sa

