Chapter 63 HUMARANG si Enzo sa kaniyang kinatatayuan. Natakot siya dahil magkakagulo at nakikita niyang desidido si Frank na manggulo at guluhin silang dalawa. “Let me, my wife. I will give him what he wants,” sabi ni Enzo. “P-Pero, Enzo,” nag-aalalang sabi niya. “Come on, man! Come! Hinid kita aatrasan!” Naalala bigla ni Madison na black belter sa taekwondo ang kasintahan. Nabawasan ang kaniyang pag-aalala. “I'll give you a lesson you'll never forget, Frank.” Humakbang palapit si Enzo kay Frank at pumuwesto ito. Gagamitin niya kaya ang mga paa niya? Hindi, baka suntukin niya rin si Frank upang makabawi. Kabadong sabi niya sa kaniyang isipan. “Madison, ano’ng nangyari?” natatakot na tanong ni Aileen. “Si Frank. Desididong manggulo sa amin ni Enzo. Pagk

