Chapter 68 TINUNGO nilang dalawa ang resthouse para roon sila mananatili habang naghihintay na sumapit ang espesyal na araw para sa kanila. Hawak kamay silang naglakad papasok sa kwarto at napako ang tingin nilang dalawa sa kama. Hindi mapigilan ni Enzo ang mapangiti dahil naalala nito noong nagpanggap itong tulog at hinila siya bigla pahiga sa kama. Napansin niya ang pilyong ngiti ni Enzo kaya napangiti rin siya. “Ano’ng nginingiti-ngiti mo? Kinakabahan ako sa mga ganiyang ngitian mo, ah?” “Nothing. I just remembered something,” masayang sagot nito. Napako ang tingin niya sa banyo noong sandaling iyon at sumagi naman sa isipan niya ang alaala noong makita niya nang hindi sinasadya ang kahabaan ni Enzo. Nag-init ang kaniyang magkabilang pisngi at ngayon ay namumula na siy

