Chapter 65 LUMIWANAG ang daraan ni Madison at napatda. Hindi siya kaagad nakagalaw dahil sa pagkamangha. Tanging ang ilaw galing sa fairy light lang ang makikita. Marahan na nagpapalitan ang ilaw sa bombilya. “A-Ano ‘to? Ma’am Natalie?” tawag niya at luminga-linga sa paligid. Ngunit wala si Ma’am Natalie sa paligid at nanatiling madilim ang buong paligid. Kaagad na sumagi sa isipan niya si Enzo ngunit ayaw niyang maghangad at umasa. Sinundan niya ang daraanan na may liwanag. Umihip ang malamig na hangin at maririnig ang mga kaluskos na nanggagaling sa mga dahon at sanga ng puno ng manga. Nagsimulang marinig niya ang musika na siyang nagpatambol ng kaniyang puso. Dahan-dahan na lumiwanag ang buong paligid at namilog ang mga mata niya sa nakita. Iginala niya ang paningin s

