Ikalawang Kabanata

2203 Words
              Maliwanag at bilog na bilog ang buwan, ang sinag at liwanag ng buwan ay pumasok sa loob ng madilim na kuwarto ni Carlo na kung saan siya ay mahimbing na natutulog. Ang buong katawan ng binatilyo ay nasisinagan ng liwanag mula sa buwan na animo’y ilaw na nakatutok na ginagamit sa entablado. Kung pagmamasdan ang mukha ni Carlo ay tila anghel sa langit na nahihimbing at para bang walang dinadamdam o walang mga iniisip na suliranin. Mababanaag ang kanyang maamong mukha, may makapal na kilay, matangos ang ilong at may mala makopang labi.               Sa kanyang pagtulog maaaninag na tila siya ay nahihirapan. Pabiling – biling sa kanyang kinahihigaang katre. Nakataas ang kamay na tila may inaabot, pawisan, tumutulo ang luha at parang hirap hirap. Wala siyang tigil sa pag-ungol at nagsasalitang tulog.   “Sino po kayo? Ano po ang kailangan ninyo?  Bakit nariyan kayo sa dilim? Kausapin mo ako! Magsalita ka!  Magpakita ka!!!!!!!”   Sa ganoong sitwasyon ay napabalikwas mula sa pagkakatulog si Carlo, humihingal at luhaan. Naguguluhan siya ng husto, hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng kanyang panaginip. Gusto niya nang makakausap ngunit ayaw niyang makaistorbo sa kanyang lola at ina na namamahinga na rin. Tiningnan niya ang  oras, saka lamang niya napagtanto na alas dose na nang gabi. At naalala niya na di pa siya kumakain ng hapunan. Kaya tumungo siya sa komedor upang uminom ng gatas nang sa gayon magkaroon ng laman ang kanyang sikmura. Hindi na niya inisip na kumain dahil kailangan niyang bumalik sa pagtulog. Dahil kung hindi malamang aabutin na naman siya ng antok sa klase.  Pagkatapos niyang uminom ng isang basong gatas, bumalik agad siya sa kanyang kuwarto upang muling matulog, bago siya nahigang muli siya ay nagdasal ng mataimtim. Dahil naalala niya ang sabi ng kanilang pastor, kapag dinadalaw daw ng masamang panaginip kailangan magdasal sa Diyos upang magkaroon ng kapayapaan sa puso at isip.             Himbing na himbing parin sa pagtulog si Carlo na di niya namamalayan ang oras. Siya ay nagising sa malakas na pagkatok sa pinto ng kanyang kuwarto.   “Kuya! Kuya! Gising na! alas sais ‘y medya na. Huwag mo kaming sisisihin kapag nahuli ka sa klase.! Si Roy yun ang nakakabatang kapatid sa ina ni Carlo,               Dahil sa isang malakas na pagkatok at boses ni Roy nagising bilga si Carlo. Nagmamadaling bumangon si Carlo, tumakbo palabras ng kuwarto sabay takbo papunta sa likod bahay kung saan nakasampay ang kanyang tuwalya at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo upang maligo.   “Carlo, aba naligo ka agad na hindi man lang muna uminom ng mainit na gatas. Baka sumakit ang sikmura mo sa ginagawa mong yang!” Pasigaw na sabi ng kanyang ina, habang hinahain ang sinangag.   “Ma, di yan! Ako pa! Strong to! Tapos baka malate ako sa klase.” “Sus! Dumating kami na tulog na tulog ka na tapos tanghali ka pa ngayon gumising.” Turan ng lola ni Carlo.   Hindi na lamang umimik si Carlo. Ayaw niyang banggitin ang dahilan kung bakit tinanghali siya ng gising. Pagkatapos maligo ni Carlo nagbihis siya agad at pasipol sipol na inaayos ang sarili na habang nakaharap sa salamin. “Gwapo ko talaga!” “Kuya, buhatin mo pa ng husto ang sarili mong bangko!” pasigaw na biro ni Sunshine. “Huwag ka nang kumontra! Totoo naman yun, ako na nga ang halos nililigawan sa paaralan. Hahahahaha!” sagot ni Carlo na humahalakhak.   “Oy, halina kayo at magsipag-almusal na tayo bago kayo mahuli sa klase.” Lola yun nina Carlo.   Sabay – sabay na dumulog sa hapag kainan sina Carlo, Sunshine, Roy at kanilang lola at nanay. Nagdasal muna sila bago kumain. Nakagawian na nila ang magdasal bago kumain upang magpasalamat sa munting pagkaing pinagsasaluhan nila at pagapapasalamat sa mga biyayang natatanggap nila.   Alas Siyete ‘y medya na nag dumating sa paaralan sina Carlo at Sunshine. Nasa iisa lamang silang paaralan nag-aaral. Nas Ika sampung baitang ng Junior High School si Sunshine at ito ay laging nasa unag seksyon. Parehong may anking talino at talento ang magkakapatid. Si Roy naman ay nasa elementarya pa lamang at siya ay nasa ika - limang baytang sa Mababang Paaralan ng San Martin de Porres. Ito ay malapit lamang sa kanilang inuuwian. Pwedeng lakarin o dili naman kaya pwede din naman sumakay. Samantalang ang paaralan nina Carlo at Sunshine ay nasa bayan ng Muntupar.Sa bayang ng Muntapar ay may tatlong paaralan sa sekondarya, ngunit mas pinili nilang mag – aral sa Muntupar National High School dahil medyo malapit ito sa kanilang inuuwian at ito ang pinakasentro sa tatlong paaralan sa sekondarya.   Hindi naman gaano kahuli sa unang subject si Carlo. Tamang tama, nagpapakuha pa lamang ng papel ang guro dahil sa gagawing maikling pagsusulit. Araw yun ng Miyurkules, na kung saan laging ganon ang araw ng kanilang pagsusulit sa asignatura sa Filipino sa Piling Larangan. Buo ang kumpiyansa ni Carlo sa kanyang sarili na di siya makakakuha ng mababang iskor dahil lagi naman siyang nag-aaral ng aralin at bukod doon lagi siyang nagbabasa ng libro kahit ang iba doon ay hindi pa naituturo ng guro. Matapos ang tatlong pung minutong pagsusulit, nagpalitan ng papel ang mga mag-aaral upang itsek ang kanilang mga sagot. Hindi naglaon, pagkatapos ng pagtsetsek ng kanilang papel ito ay pinasa sa guro. Binasa naman ng guro ang resulta ng kanilang eksaminasyojn.   “Balisbis, Rochelle 25. Dia, Raymond 27, Latosa, Rose 30. Reyes, Carlo 37. Palakpakan natin si Carlo na siya ang nakakuha ng pinakamataas na iskor! At siyempre palakpakan din ninyo ang inyong mga sarili dahil sa apat na pung aytems ang mababang iskor ay dalawang put lima lamang. Magaling! Mas pagbutihin ninyo pa ang inyong pag-aaral. Mahabang pahayag ni Ginang Edma sa kanyang mga mag-aaral.               Tuwang tuwa ang bawat isa sa naging resulta ng kanilang pagsusulit. Ang lahat ay nag-aayos para sa susunod na asignatura sa araw na iyon. Habang ang iba ay nagbabasa at ang iba naman ay nagkukuwentuhan, sina Darwin at Paul naman ay kausap ni Carlo. Pinag-ususapan ang tungkol sa magiging report sa Philosophy.   “Tol, Carlo, Mamamayang lunch time patulong naman kami sa Philosophy. Alam mo naman na kaming dalawa ni Darwin ang magrereport bukas. Kapag di kami makapag-report baka bumagsak kami kay Sir Patria.” Mahabang paliwanag ni Darwin.   “Oo nga tol, alam mo naman si Sir, masyadong mahigpit yun. Kapag sinabing magreport dapat magreport kung hindi... nakuuu sixty – five agad ang grade. Ayaw namin mabagsak.” Ani Paul.   “Hmm, susubukan ko mga brod mamaya. May tatapusin pa kasi ako na report para sa Biology natin.” Paliwanag ni Carlo.   “Tol naman! Next week pa naman ang report mo sa Bio. Pleaseeeeee!  Umakto pang nakaluhod ang dalawang kaibigan ni Carlo para mapapayag siya sa pinapakiusap ng mga nito.   “O siya siya, nadala nanaman ninyo ako sa paawa epek na yan. Hmm… Baka naman….”   “Oo, alam na namin yun. Libre ka namin sa snacks at tanghalian.” Sabi ni Paul. “Hindi lang yun, sa Biernes ipapahiram ko sayo ang laptop ko, dahil alam namin na kailangan mo para matapos ang report mo sa Bio” dagdag na turan ni Darwin.   “Hahahahaha, kilala na ninyo talaga ako mga tol! Salamat ha… Malaking bagay din ang naitutulong ninyo sa akin.” “Sus! Huwag nang emo! Di bagay! Tropa tayo eh! What is friends for?” sabay na sabi nina Darwin at Paul.   “Hooy! What are friends for ang tama. Hahahahahaha” Pagkokorek ni Carlo.   “Opo Sir! Sorry na po! Hahahahahahah!” sagot ng dalawa na di magkamayaw sa katatawa.               Dumating ang oras ng tanghalian, katulad ng napagkasunduan ng tatlo habang kumakain pinapaliwanag ni Carlo ang mga dapat gawin ng kaibigan tungkol sa pag-uulat ng mga ito sa Philosophy.  Isa ito sa kinaiingitan ng ibang mag-aaral sa barkadahan ng tatlo.  Close ang bawat isa at parang magkakapatid na ang turingan. Ngunit lingid sa kaalaman ng tatlo, may isang babaeng papalapit sa kanila na nakabusangol ang pagmumukha.   “Hoy mga lalaking magagaling, parang kinalimutan na ninyo ako!” paismid na sigaw ni Marilyn habang ito ay nakapameywang.   Hindi yun inaasahan ng tatlo, kaya bigla silang nagulat at nahulog ang kutsarang hawak ni Paul dahil siya ang nagulat ng husto. Natawa ng husto si Darwin at Carlo.   “Hahahaha! Yan Kape pa more!” sabi ni Darwin. “Hahahahaha! Marilyn, mabuti walang sakit sa puso si Paul kung hindi yari ka!”  turan ni Carlo. “Sus, alam ko namang wala yan sakit sa puso. Kaya nga ginulat ko kasi siya yung pinakamagugulatin sainyo.” Mahabang paliwanag ni Marilyn.   “Mabuti pa umupo ka na diyan. At sumalo ka na sa pagkain namin at total narito ka naman, hmmmm tumulong ka na sa pagpapaliwanag nito sa amin. Hehehe” mahabang buska ni Paul kay Marilyn.   “Hello! Kayang kaya na yan ni Carlo, Di ba Carlo?” sagot ni Marilyn na nakatingin kay Carlo.   “O siya tumigil na kayo sa pagtatalo-talo at baka kung saan pa umabot yan. Tapusin na natin ang pagkain natin.  At ikaw Marilyn kumain ka na rin. Para matapos na rin itong pagpapaliwanag ko sa report ng ating kaibigan.” Mahabang sabi ni Carlo sa tatlo niyang kaibigan.               Si Marilyn Sarmiento, ang nag-iisang babae sa kanilang grupo o magkakaibigan. Ika nga ng iba “Rose among the torns” kaya naman may pagka spoiled ito sa kanilang tatlo. Pero di naman nila kinokunsinti ang sobrang pagkapilya nito at kalokohan na naiisip. Minsan pa nga naiisip ng ibang nasa paligid nila sa paaralan na tomboy tomboy si Marilyn, dahil mas marami itong kahalubilo at kaibigang lalaki keysa sa mga kapwa nito babae. Pagkatapos nila magtanghalian, ipinagpatuloy ni Carlo ang pagtuturo sa dalawa, habang si Mariyln ay nagbabasa sa w*****d. Sakto naman na sa unang subject sa hapon ay wala silang pasok dahil nasa seminar ang kanilang guro sa Math. Kaya naman walang mapagsisidlan ng tuwa sina Paul at Darwin dahil siguradong matatapos nila ang kanilang report para bukas sa Philosophy.   “Since we are talking about the branches of philosophy, Paul at Darwin gumawa kayo ng powerpoint na kung saan may drawing ng punong kahoy at may mga sanga. Dun ninyo isulat ang branches of philosophy. Pagkatapos ibigay ninyo ang mga kahulugan ng bawat isa at magpokus na kayo sa Ethics at Logic dahil yun naman talaga ang pinaka topic ninyo na binigay ni Sir Patria.” Mahabang pagpapaliwanag ni Carlo.   “Ah, sige, gagawin ko na yan na sinasabi mo.” Tugon ni Paul. “Ako naman kukunin ko na ang kahulugan ng Ethics at Logic at gagawa na rin ako ng mga halimbawa.” Pagsesegunda ni Darwin. “Good! Ganyan nga. Hindi naman kasi pwedeng ako ang lahat gagawa mga tol, kasi ayaw ko na masanay kayo at ayaw ko na wala kayong matototonan. Hindi sa lahat ng pagkakataon magkakasama tayo.” Paliwanag ni Carlo. “sabi nga sa bibliya, do not give them a fish, but teach them how to catch a fish.” Sabat ni Marilyn na may katotohanan naman ang kanyang tinuran. “Yan tayo eh!” sabay sabay na bigkas ng magkakaibigan na may kasamang tawanan.   Ganon lagi ang samahan ng magkakaibigan, siyempre minsan di rin naaalis ang tampuhan, selosan o pag-aaway. Pero sila din ay magkakasundo muli at mas lalong nagiging matatag ang kanilang samahan. Kaya nga paborito nilang kanta ni Dionne Warwick at Stevie Wonder. Bago ang pangalawang subject sa hapon sinigurado nilang tapos na ang kanilang ginagawa kaya naman sabay sabay silang naglakad papunta sa kanilang silid – aralan na kumakanta.   “Keep smiling, skeep shining Knowing you can always count on me, for sure That’s what friends are for For good times and bad times I’ll be on your side forever more That’s what friends are for   Patuloy parin sila sa pagkanta habang sila ay naglalakad. Si Carlo ang may hawak ng gitara at habang naman si Marilyn ay aksyon pang ginagawa sa pagkanta at si Darwin at Paul naman ay bigay todo sa kanilang pag-awit. Dahil doon ang lahat ng atensiyon ng mga kapwa nila kamag-aral at mga guro sa kanilang paaralan ay nakuha nila ang atensyon. Mayroong naghihiyawan, maryoong iniismiran sila at mayroong natutuwa at nagpapalakpakan dahl sa turingan at paguugali nilang magkakaibigan.  Sino ba ang makapagsasabi na ang bawat isa sa kanila ay walang problema. Sino ba sa paligid sa paaralan na sila ay may mga pansariling suliranin na sila – sila lamang ang tanging nakakaalam. Ang lahat ng kanilang mga nararamdaman ay sila lamang ang may alam na magkakaibigan.  Ayaw nila itong ipahalata o ipaalam kahit kaninuman dahil ayaw nilang sila ay kaawaan o di kaya’y maging sentro ng usap usapan.   Natapos ang maghapon na walang gulo o away na nangyari sa loob ng silid – aralan o bagong balita sa hapong iyon. Ang tanging alam lamang nag magkakaibigan magrereport bukas si Darwin at Paul sa subject ni Sir Patria sa Philosophy 11.  Kaya naman kahit may oras pa para makapagkuwentuhan sila di na nila ginawa para mas makapaghanda pa sila bukas lalong – lalo na si Darwin at Paul.  Paglabas ng gate ng paaralan nagpaalam na ang bawat isa sa pag-uwi. Umuwi sila na masaya at may ngiti sa labi.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD