Nang dumating ang araw ng Sabado ay nagpaalam ako kay Manang Siony na uuwi ako sa amin kinagabihan. Tinawagan ko si Ethan nang lunch para mainform siya na uuwi ako. Tiyak kasi akong magagalit siya kapag di ako naginform sa kanya, dahil natrauma ako sa nangyari nang nakaraan. Kaya naman Ihahatid raw ako ni Ethan. Susunduin niya ako sa umaga ng linggo. Hindi pwedeng sumabay ako sa kanya paalis dahil magtataka sina Manang Siony kung bakit sasama ako kay Ethan. Tinext ako ni Ethan na maghintay sa may Guard house . Dahil safe ako doon habang hinihintay ang kanyang pagdating. "Mauuna na po ako Ate Loring? Manang Siony?" "Okay iha Karen , mag iingat ka pag uwi mo ha?" "Opo Manang Siony wag po kayo masyado magpakapagod ha?" "Ako bahala diyan Karen , Pasalubong ha ? hahaha joke!" "Oo na

