---KAREN'S POV--- Hapon na nang umalis kami sa bahay. Ipinagpaalam ako ni Ethan kay mama. Akala ko naman ay uuwi na kami pero nagkamali ako. Dumiretso kami sa isang Mall. Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Halos ayaw niya itong bitawan. Napako ang tingin ko sa aming mga kamay. Napangiti ako ng lihim. Kinikilig ako sa ginagawa ni Ethan. Di ko akalain na sasabihin niya rin sa pamilya ko ang tungkol sa amin. Dumiretso kami sa Bilihan ng mga cellphone. "Bakit Ethan sira na ba ang phone mo? at bibili ka nang bago?" "No Babe , I'll buy you one" "H-hah? Hindi na kailangan Ethan?" "Kailangan... Dahil gusto kita laging makausap pag wala ako sa mansiyon" "Nakakahiya naman ito Ethan?..." "No Babe, Don't be shy" "Ibawas mo na lang ito sa sahod ko" "Karen Please? Nasa

