Chapter 02: Love At First Sight

1693 Words
[Karen’s POV] Nagpasya akong mamasukan bilang katulong dahil alam kong hindi sapat ang kita ni mama para sa pagka- college ko. Kahit pumasa ako bilang isang scholar ay marami pa ring gastusin. Lalo na isang malaking school at puro mayayaman ang nag- aaral doon. Sa una ay ayaw pumayag ni Mama dahil baka hindi ko raw kayanin. Nirekomenda lang ako ng magulang ni Jenny sa papasukan ko. Ang magulang ni Jenny ay nagtatrabaho sa pamilya ng Sandoval. Nabalitaan nila na naghahanap pa ito ng isa pang maid. Tatawagan na lang daw ako kung kailan ako magsisimula. “Anak, sigurado ka na ba? 'Pag 'di mo kaya ay h'wag kang mag-atubili na mag-resign. Kaya ko pa naman kahit paano, anak ko,” nag- aalalang tanong ni mama sa akin. “Siyempre naman, Ma... ano po bang akala mo sa akin? Sino ba ang katulong mo dito sa gawaing bahay, 'di ba ako? At saka gano'n pa rin 'yon, Ma. Pinagkaiba lang e, upgraded na ako dahil mayaman ang amo ko,” natatawa kong sabi at nagtawanan kaming dalawa “Naku, Ate! Ang gwapo pa naman ng anak ng Sandoval! Nag-research ako at magkasing-edad lang pala kayo!” bulalas ni Rose. Parang may pinapahiwatig siya sa akin kaya bigla rin naman akong natawa. “Ano naman kung gwapo, noh?” sabay kurot ko sa tagiliran ni Rose ngunit umilag siya at humagalpak sa pagtawa. “Bakit, Ate? Hindi ka ba ma-i-inlove sa sobrang gwapo no'n? Malay mo ay mapangasawa mo pa siya! Hahaha!” pang-aasar niya sa akin. “No! Never, Rose. Hahaha! ‘Yan ang tatandaan mo dahil ‘di porke gwapo ay ma-i-inlove ka na. Alam mo naman ‘yang mga mayayaman. Wala silang magawa sa buhay—kaya naku, lolokohin ka lang!” sagot ko sa kan'ya. Ngumuso siya sa sinabi ko pero ayaw pa rin magpatalo. “Naku, Ate Karen... pustahan tayo? Kapag ikaw ay na-inlove, ha? Ililibre mo ako ng chicken joy!” panghahamon niya pa sa akin. Tinaasan ko siya ng kanang kilay ko at humalukikip ang mga braso ko. “Ah, okay. Chicken joy lang pala ha, sige pustahan! Kapag ‘di ako na-inlove, ikaw ang manlilibre! Kaming dalawa ni Mama ang ililibre mo, okay ba ‘yon?" kindat ko sa kanya at saka kami nagtawanan. Tumunog ang cellphone ni Mama kaya naman napahinto kami sa kantyawan ni Rose. Kaagad naman sinagot iyon ni Mama. “Hello, sino po sila?” tanong ni Mama sa kabilang linya. Pinindot ni Mama ang loud speaker ng cellphone. “Hello, Goodafternoon! Is this Ms. Karen?” sagot ng nasa kabilang linya. Napatingin si Mama sa gawi ko at saka ulit nagsalita. “Ah, hello po? Mama niya po ito, sandali lang po at ibibigay ko,” sabi ni Mama. Nilingon niya ako ulit, “May gustong kumausap sa’ yo,” tawag ni Mama sa’kin. Dali-dali naman akong lumapit nang nakangiti. Marahil ay ito na ang hinihintay kong tawag. Inabot ni Mama sa akin ang cellphone niya at kinuha ko ito. “Yes po, hello? Si karen po ito,” sambit ko. “Hello, Ms. Karen Santos. I'm Ms. Christine Cardinal. Secretary of Mr. Sandoval, pinapasabi po pala na bukas ay puwede na kayong magsimula sa kanila,” masayang sabi ng kausap ko sa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “Ha?! O-Opo! Bukas na po? S-Sige po Ma’am,” sabi ko na hindi makapaniwala. “Yes, Ms. Karen. If you don't mind, Ms. Karen... may susundo sa’yo tomorrow morning ng eight AM, okay? Kaya maghanda ka na. Tomorrow, you will leave there, okay?” sabi ni Ms. Cardinal. Napaawang ang bibig ko. “Susundo? O-okay po Ma’am! Thank you po!” nakangiti kong sabi. “Okay, Bye...” “Bye po... thank you po,” paalam ko sa kaniya. Ibinaba na nito ang tawag. May susundo pa talaga, parang nakakahiya naman at susunduin pa ako rito. Excited na tuloy ako na may halong kaba dahil bukas ay magsisimula na ako. Ano kaya ang itsura ng mansyon nila? Di ako mahilig sa social media kaya naman ‘di ko naisip na i-search sa internet ang sinasabi ni Rose na lalaking bunsong anak ng Sandoval. Ano naman kung gwapo? E, kung manloloko naman wala ring silbi. Sabi ko sa isip ko. Kahit ano’ng mangyari ay ‘di ako magkakagusto do'n. Dahil lahat ng mga lalaki ay manloloko. Iyan ang aking pananaw at walang makakapagpabago. Nag-impake na ako ng mga gamit ko at bakas sa mukha nina Mama at Rose ang lungkot “Hay naku, kayo talaga,” nag-alala kong sabi. Inakbayan ko sina Mama at Rose na malungkot at halos hindi na maipinta ang mga mukha nilang dalawa. “Ate Karen, dadalaw ka rito minsan, ha? Saka magdala ka ng pasalubong,” naiiyak niyang sabi habang nakayuko. “Anak, palagi kang mag-iingat doon at wag kang pasaway. Gawin mo nang maayos ang mga utos at gawin mong mabuti ang trabaho mo, ha?” sabi ni Mama at sabay yakap sa akin. Nakita ko na lang na naluha na si Rose sa sobrang lungkot. Parang may kumurot sa puso ko dahil ngayon lang ako malalayo sa kanilang dalawa. Kaya umalis ako sa pagkayakap ni Mama at kinuha ang isang unan. Hinampas ko ito kay Rose na ikinagulat niya. Ngumisi ako sa naging reaksyon niya. “Ouch! Ah, gano’n ha?! Sige, maghintay ka!” natatawa niyang sabi. Kinuha ni Rose ang isa pang unan at hinabol ako. Mabilis akong umilag at tumakbo nang maiwasan ko paghampas ni Rose ng unan sa akin. Nagtago ako sa likuran ni Mama, “Mama, si Rose, hahaha!” natatawa kong sabi. Si Mama naman ay tumatawa na rin dahil sa ginagawa namin ni Rose. Naghampasan na lang kami ng unan sa mukha hanggang sa maubos ang lakas naming dalawa. “Wow, ha Ate! Susunduin ka pa talaga, ha? Iba rin! Kaya dapat bukas i-feel mo na ‘yong sasakyan, hahaha!” tumatawang sabi ni Rose. Nakahiga kami sa kama dahil napagod kaming tatlo. “Anak, pag-igihan mo, ha. Alalahanin mo... isang buwan na lang ay pasukan na,” sambit ni mama sa akin. Tumango naman ako at ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. *** *** Sinundo ako katulad ng napag-usapan. Alas- otso na ng umaga at nagpakilala ang driver na si Mang Junie. Mabait naman ang matanda. Habang nasa kotse kami ay panay ang interview niya sa akin. Nasa limampu’t tatlong taong gulang na ito. “Hija, mababait naman ang mag-asawang Sandoval. ‘Yon nga lang ang anak nilang lalaki ay baka di mo kayanin. Kaya mahabang pasensya at pag-intindi ang kailangan mo,” seryosong sabi ni Mang Junie sa akin. “Ah, gano’n po ba, Mang Junie. Okay lang po. Kailangan ko po ng trabaho kaya kakayanin ko po.” Hilaw akong ngumiti sa kaniya. Nasa harapan ako nakaupo habang nakadungaw lang ako sa bintana. Pinagmamasdan ang mga sasakyan at traffic sa kalsada. Hanggang sa kami ay nakarating sa mansyon ng pamilyang Sandoval. Gate pa lang ay sobrang laki na at kusa itong bumubukas nang mag-isa. Bumungad rin sa akin ang malaking garahe at isang malaking garden. Pagkahinto namin ay kaagad akong bumaba. Pagkababa ko ay binati naman ako ng isang matandang babae na naghihintay sa amin. Palagay ko ay nasa limampu’t limang taong gulang na ang matanda. “Hi, Hija. Ako si Siony at ito naman ang aking anak na si Loring,” bati niya sa akin. Ngumiti naman sa akin ang kaniyang anak na si Ate Loring na nasa dalawampu’t pitong taong gulang naman. “Halika, samahan kita sa ating kuwarto, Karen,” sabi ni Ate Loring. Inalo niya ako para pumasok sa pintuan ngunit bigla na lamang natigilan ang lahat ng may paparating. Tumuwid ang kanilang pagtayo at mabilis na gumilid sila sa isang tabi. Ako naman ay hindi namalayan ang padating ng isang lalaking mukhang kinatatakutan nila. Naramdaman ko na lang na nasa likuran ko na siya. Dahan-dahan pa akong lumingon at hinarap ang nasa likuran ko. Bumungad sa akin ang napakaguwapo at matangkad na lalaki. Ngunit napakunot ang noo nito at taas baba akong tinignan. “Manang Siony? Who is this girl?!” tanong niya kay Manang Siony. Hindi ako nakasagot dahil napatulala ako. Para bang nag-slow motion ang lahat sa akin. Naku! Na- inlove nga ba ako? Hindi maaari Karen! Sabi ko sa aking isipan habang nakatulala sa kaniya. “Hey, get lost?! Nakaharang ka sa daraanan ko!” singhal niya sa akin na ikinagulat ko. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga akong bigla dahil ang sama pala ng tabas ng dila nitong lalaking ‘to. Hinatak ako ni Manang Siony dahil hindi pa rin ako natinag sa kinatatayuan ko at saka niya ako binulungan. “Siya si Sir Ethan, mag- sorry ka,” nag- aalangan na sabi ni Manang Siony. Bigla akong bumalik sa aking ulirat. “S-sorry po Sir Ethan, hindi na po mauulit! B-bago lang po ako rito,” sagot ko habang nakayuko dahil sa hiyang hiya ako. “Tsk! Kabago-bago palpak na! Manang Siony, pakituruan po ‘yan! Baka 'di na naman magtatagal ‘yan!” singhal nito sa matanda. He smirked at me. Hindi na ako nakasagot dahil sa pagkapahiya. Para akong unti-unting lumulubog sa kinatatayuan ko. Siya si Ethan Sandoval, labing-anim na taong gulang din katulad ko. Gano’n ba talaga ang mayayaman? Kaya nilang mang-apak ng tao basta’t gugustuhin nila. Sabagay ano ba ako rito kun'di maid lang naman ako. Wala akong karapatan na umangal o magreklamo. Pumasok na siya sa loob ng mansyon na walang pasabi. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi ko magawang magalit ng ganoon na lamang. Oh no! Nadadala na ba ako ng kaguwapuhan niya? Huwag, Karen dahil hindi puwede! Ito na yata ang tinatawag nilang love at first sight? Kumurap-kurap ang mga mata ko habag nakatayo sa isang tabi. Napailing na lamang ako habang naglalakad kami patungo sa kwarto namin ni Ate loring. Love at first sight tapos sa ganon'g uri ng lalaki pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD