KAREN'S POV--- Pagdating namin sa palengke ay agad akong namili ng Gulay , Balak kong magluto ng Sinigang na baboy sa sampalok. Tahimik lang si Sir Ethan na sumusunod sa akin. Palinga linga siya kahit saan. "kuya isang kilo po dito sa karne ng baboy" Sabay turo ko sa baboy. "Ngayon ka lang ba nakapunta sa palengke Sir Ethan?" tanong ko "Ahmmm... Oo " Napakamot siya ng ulo "Wow iba talaga pag anak ng mayaman" Sambit ko at ngumiti sa kanya, Saka ko naman inabot ang mga gulay na kailanganin sa Sinigang. "Di ko naranasan to ngayon pa lang, Ganito pala dito , Ang daming tao, Sila Manang Siony kase ang laging namamalengke" "Matagal na ba sila Manang Siony sa inyo?" "Yes, It's been 40 years" "T-talaga? Ang tagal na pala?" Mangha ko "Siya ang personal Maid ni Mommy, bata pa lang si

