---KAREN'S POV--- Natapos rin ang araw at nag kanya kanya na kami nung pauwi. Ihahatid lang ako ni Ethan sa amin at mauuna na siyang umuwi. Susunod na lang ako kinabukasan. Hindi na ako magpapasundo dahil baka magtaka ang mga tao sa mansiyon. "Thank you so much Babe I enjoyed so much..." Baling niya sa akin. Nasa gate kami ng bahay. "Salamat ako rin Ethan" "Sana marami pa tayong alaala na mabubuo Karen?" Hinalikan niya ako ng marahan at ginantihan ito. "Sure ka bang di na kita susunduin?" Tumango ako sa kanya. Bigla ako nalungkot na uuwi na siya. Ganito siguro pag mahal mo ang tao. Parang ayaw mo na mawalay sa kanya. "Ingat ka ha? Text ka or call pag nakarating ka na" "Sure Babe, bakit parang malungkot ka?" "W-wala Ethan, namimiss lang kita kase busy ka naman ngayong w

