Nagising ako dahil sa ilang haplos na aking nararamdaman sa aking mukha. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ng aking asawa. "Judas?" namamaos pa ang boses na tawag ko sa kanyang pangalan. "Hi, babe. Wake up now. It's time for dinner." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naghintay lang siya ng ilang sandali bago niya ako tinulungan na bumangon. Sumandal muna ako sa headboard at hinintay na tuluyang magising ang diwa ko. Napatingin ako sa kanya nang mapansin na titig na titig siya sa akin. "What's wrong?" nagtataka kong tanong sa kanya. Ngunit imbes na sagutin niya ang tanong ko ay ngumiti lang siya nang matamis sa akin kaya naman napatitig rin ako sa kanya. Nagdikit ang mga kilay ko nang may mapansin akong kakaiba sa kanya. Bakit parang mas

