Chapter 42 | Melted

3002 Words

Kanina pa kami tumatakbo ni Ace pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagsasalita. Medyo kumalma naman ako nang maramdaman kong walang kahit anong nilalang ang nasa paligid. Napansin ko ring kumukonti na ang bilang ng mga puno at numinipis na ang hamog na bumabalot sa lugar. Dahil dito, naging maaliwalas na ang paligid dahil libre nang nakakapasok ang sinag ng araw.  "Ace saan ba tayo pupunta?!" Inis na sigaw ko dito.  Nung bumagal na ang pagtakbo namin saka nya lang ako tinatapunan ng tingin. "Malayo na tayo sa insidente ng transaksyon sa mga tao at demihumans... may nararamdaman ka bang kahit anong nilalang dito?" Hinihingal na tanong nya sa akin. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. "Wait... nandon ka nung nagkagulo?" Takang tanong ko sa kanya. Tumango lang sya at ngumisi nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD