Ikalimang Pandaigdigang Digmaan, 1,018 years ago Ilang libong taon na nga ang nakalilipas nang magsimulang manganib ang lahi ng mga Fairy sa domain ng Falione. At sa pagsiklab ng Ikalimang Pandaigdigang Digmaan, dito na tuluyang nalipol ang kanilang populasyon. Tanging takot at pangamba ang bumabalot sa puso ng mga Fairy sa tuwing makararamdam sila ng ibang nilalang na umaapak sa domain ng Falione. Sapagkat alam nila na dalawa lang ang ipinunta ng mga ito-- ang masilayan at hangaan sila... o hulihin upang gamitin sa kani-kanilang pangsariling interes. Itinuturing ang mga Fairy na pinakapurong nilalang sa buong Lankan. Likas na busilak ang kanilang puso tulad ng payapang haplos ng hangin sa ating mga balat. Ang kanila ring presensya ay pawang nagbibigay init ng pagtanggap tulad ng init

