Chapter 44 Terminal Tahimik kong pinapanood si Mommy na kumuha ng kanin upang ilagay sa kaniyang plato. Nakangiti pa siya at hindi bakas sa kaniyang mukha na umiyak siya kanina. Mukhang wala siyang kaproble-problema. If I didn't hear her conversation with Dad, I wouldn't know that there's something going on between them. Hindi ko malalaman na nagkakaroon na pala ng lamat ang relasyon ng mga magulang ko. Kahit na narinig ko kaninang sinabi niya kay Daddy na wala siyang pakealam kung malaman ko man ang gulo na nangyayari sa kanilang dalawa, alam kong ayaw niya talagang may malaman ako. Seeing how she acts like she's fine, I know she doesn't want me to have a clue. As their only daughter, I don't want to just let their relationship break into pieces. That will also break me. Kung may mag

