Chapter 29 Weaknesses Nakanguso ako habang nililibot ang tingin sa iba't-ibang lapida na aming dinadaanan. I can't believe that our first date will happen in a cemetery. Hindi lang 'yon dahil mayroon pang extra'ng mala-demonyitang batang babae. "What are we doing here?" Sa wakas ay nakapagtanong na rin ako matapos ang ilang oras ng pananahimik dahil kapag nagsasalita ako'y binabara lamang ako ng kaniyang kapatid at pagtatawanan nila ako. I feel so left out. Gusto ko nalang umuwi, pero wala naman akong magagawa dahil nandito na rin naman ako kasama sila. Baka mas lalo lang akong pag-initan ng kapatid niya kapag napagdesisyunan kong umuwi. "We're going to visit our father." he answered that made my forehead crease. "Your father?" pagtataka ko. "Kala ko ba nakita mo yung tatay mo kama

