Chapter 33 Brother "What?" halos walang boses na lumabas sa akin at puro hangin lamang. Hindi ako makapaniwala. Aakusahan ko na siyang nagsisinungaling at nagloloko lamang ngunit tuwing titignan ko ang kaniyang seryosong mukha ay alam kong nagsasabi siya ng totoo. "P-Paano?" naguguluhan kong tanong. "Si Tito Arman?" "Alam kong hindi kapani-paniwala, but he's my real Dad, Blair." he told me. "You're always hanging out with me and Ida!" puna ko. "Bakit wala siyang sinasabi sa akin tungkol sa'yo? It's impossible, Gael... Kung alam niya... she will—" "She might won't let me get near you if she knows." pagsabat naman ni Gael. "I don't know if they told her or not pero mukhang hindi. She doesn't know me personally til now. And it's only because of you." "And you didn't bother telling her

