Chapter 18 Nothing "Ma'am Blair..." rinig kong sabi ng aming katulong pagkatapos kumatok sa aking pintuan. "Bakit?" sabi ko naman at tumigil sa panunuklay ng aking buhok. "Meron pong naghahanap sa inyo." sabi naman niya. "Kasama ko po ngayon dito sa taas." Lumayo naman ako sa tukador at tumungo sa pintuan upang buksan ito. Why is she letting someone in our house without my permission? Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang aming katulong at nasa likod niya ay si Isaiah. "Isaiah!" gulat kong pagsambit sa kaniyang pangalan. Nilingon ko naman ang aming katulong. "Bumaba ka na." utos ko sa kaniya na agad niya namang sinunod. Bumaling ako ulit kay Isaiah na ngayo'y nakangiti sa akin. Mukhang natuwa pa dahil nasurpresa niya ako sa kaniyang biglang pagdating. "W

