"Kamusta siya? Bakit hindi na lang natin siya dalhin sa hospital?" "I don't think it will help. Jus let her take a rest." Mga tinig iyon na naririnig ni Lalaine nang magkamalay. Ngunit minabuti niyang magkunwaring tulog pa rin. Tila ayaw niyang harapin ang mga taong naroon. Wala siyang maramdaman kundi kahungkagan sa sarili. Sana hindi na lamang siya nagising dahil muli na naman pumapasok sa kanyang isip ang mga nangyari. Muli na naman pinipiga ang puso siya sa katotohanang nalaman. Sa hindi niya inaasahan ay muling bumuhos kanyang mga luha. Kahit gusto niyang pigilan ay kumawala ang hikbi sa kanyang bibig. "Laine..." boses iyon ng babae. Nang magmulat siya ng mga mata niya ay nagtama ang mga mata nila ni Anika. "How are you?" nag-aalala nitong tanong. Mabilis na lumapit ito sa kinaro

