"Boss Sungit, pasensya na nabasa pa iyang damit mo sa kakaiyak ko," sabi ko habang pinupunasan ang mata ko na may mga kaunting luha pa. Napatingin naman si boss sungit sa damit niya at napangiwi, nabasa kasi kakaiyak ko. "Sorry," sabi ko habang naka peace sign sa kanya. Tiningnan niya lang naman ako kaya ngumiti lang ako sa kanya. "Sorry na," sabi ko. Pero tiningnan niya lang ulit ako. "Hay, ewan ko sa'yo Boss Sungit," sabi ko. Pero wala pa rin s'yang kibo. "Heh, sige magkukwento na lang ako mukha lumilipad naman isip mo, e," sabi ko. "Alam mo ba matapos ang aksidente na 'yon pasalamat pa rin ako kila Aling Nina at kay Juan," nakangiti kong sabi. "Juan?" Tanong niya. "Iyong kababata ko, mabait 'yon siya naging karamay ko dati, malungkot nga lang kasi wala na siya rito nasa iban

