Kabadong-kabado ako habang nakaupo sa isang sofa at pinaglalaruan ang kamay ko katabi ko si Juan na siyang tumulong sa akin kanina sa mga taong dumumog sa akin. Sabay kaming napatingin ni Juan sa may pintuan ng isang kwarto na pinuntahan namin ni Juan sa pagkakaalam ko ay pag-aari ito ni Juan. Sumalubong sa amin ang galit at nag-aalalang mukha ni Manager Love sa likod naman niya ay ang blankong tingin ni Boss Sungit sa akin at sa kasunod naman ni Boss Sungit ay ang tatlong mukhang nag-aalala. "Vannie naman, 'di ba sinabi ko sa'yo na 'wag kang lalabas, Bakit ba ang tigas nang ulo mo? Muntikan ka ng mapahamak! Nang marinig namin ang balita ay nag-alala kami, makinig ka naman Vanessa, huwag matigas ang ulo." Nag-aalalang sabi ni Manager Love na nakatayo sa harapan ko habang nakahawak sa ba

