Habang nasa byahe kami ay 'di ako mapakali, paano kasi hindi ko pa rin nakikita ang sarili ko tapos 'yong cellphone ko pa naiwan ko pa sa bahay. "Ma'am, tawag po galing kay Sir," sabi ni Kuya Driver. Kinuha ko 'yon at nilagay sa tainga ko. "Boss sungit," sabi ko. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Inis na tanong niya. Wala manlang hello. "Naiwan ko cellphone ko," sabi ko. "Bakit mo iniwan?" "Pake mo!" Sagot ko. "Nasaan ka na?" Asar na tanong niya. "Nasa kotse," sabi ko. Narinig ko naman na nagmura na naman siya. "Sagutin mo ako ng matino," sabi niya. "Matino naman 'yon ay nasa kotse na naman talaga ako, ewan ko sa'yo ang gulo mo kausap," sabi ko. "Ako pa ang magulo!" Inis na sabi niya. "Ay hindi, ako 'yong magulo!" Pamimilosopo ko. "Bullsh----" 'Di ko na siya pinata

