Madami nang naiinom na alak si Blessie. Pero ayaw pa din niyang tumigil. Tequila pa ang nilaklak niya. Lalag naman ang panga ni Sarah na nakatingin lang sa kaibigan niya. Akala mo tubig kung inumin ang tequila. Walang pakundangan din ito na kumukuha ng asin. Saka lalaklakin ang tequila. Ngayon lang niyang nakitang ganito si Blessie. Nag iinom sila. Pero hindi ganito kawild. Akala mo wala nang bukas kung uminom. Talagang iniisip pa din ng kaibigan niya ang amo niyang si Marius. Hindi na siya magtataka. Crush ni Blessie si Marius. Nuon pa man. Ngayon nahahati si Blessie. Ang boyfriend ba niya o ang ulimate crush niya? Kahit siya magiging tuliro din. Sa dalawang guwapo at binata ang nasa pagitan niya "Blessie, tama na 'yan. Lasing kana" saway ni Sarah sa kanya. Hinawakan na niya ang baso na

