Umuwi si Blessie na umiiyak. Nadaanan niya ang Mama at Papa niya. Pero hindi niya binati ang mga ito. "Blessie" tawag ng Mama niya sa kanya. Hindi pinansin ang pagtawag ng Mama niya. At dire-diretsong tumakbo si Blessie papunta sa kuwarto niya. "Anong nangyari sa anak natin, Jose?" nag-aalalang sabi ni Belinda. Inalo naman ni Jose ang asawa. "Hayaan mo kakausapin ko ang bunso natin" sagot ni Jose sa asawa. Humahagulgol nang iyak na nakadapa si Blessie sa kanyang kama. "Niloko nila ako." tinanggal ni Blessie ang kanyang salamin sa mata. "Blessie, Anak. Pakibukas ang pintuan" katok ni Jose sa pinto ng kuwarto ni Blessie. Agad na pinunasan ni Blessie ang mga luha niya. Saka pinuntahan ang pinto at pinagbuksan ang ama. *Papa, bakit po?" "Puwede bang pumasok sa kuwarto mo?" pakiusap ni J

