MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA Chapter 2: Were Wood City
YMIERA's POV:
Ang akala kong paggising ko ng umaga ay magiging tahimik ang mundo ko. Makikita ko ang totoong mukha ng tinulungan kong taong-lobo. Kaso hindi.
Nagising ako na wala na siya pero may iniwan naman siyang sulat. Pangalan niya siguro ang nakalagay sa papel na maliit. Hindi ko alam kung tunay niyang pangalan o isa lamang palayaw niya.
Hmm. . .atleast I know what name that can I use to him.
'Thank you for helping me, you're different. You still accepted me, even though you already know that I am one of the werewolves. I hope to see you again, Ymiera. What a beautiful name, like how you treated me. Can I call you, Eyra? And you can call me, Rexus.'
'Yun ang nakalagay sa papel. Ang ganda rin ng handwritten niya, alam kong lalaki siya dahil sa parteng ibaba niya.
At ngayon nakasakay ako sa bus na puno ng mga taong mahihirap o sabihin na lang natin na mga nilalang na walang alam sa tunay na pagkatao nila. Ang iba rito ay malalayo ang mga tanaw, may ilan ang umiiyak.
Hindi ako umaalis sa sarili kong bayan. Sadya lang na nagkaroon ng eksena kaya nandito ako at hinayaan na lang na sumama.
Pagdating na lang ng tanghalian makikita ko si Henrico na may kasamang mga lalaking iginuhit pa nang maayos nitong lumalang sa aming mga nilalang.
Akala ko mga kaibigan ito ni Henrico pero malalaman ko na lang na ibinenta na pala ako nang wala man akong kaalam-alam.
Sa halagang 50 million pesos, kapalit ng buhay ko.
Gusto ko sanang umalma at bigyan na lang si Henrico ng pera na kinakailangan niya dahil may mga naipon naman ako sa bangko. Kaso binawe ko na rin sa kadahilanan na may narinig ako sa isa sa kanila kung saan ako dadalhin.
'Were Wood City'
Pangalan pa lang ng lugar alam ko ng hindi ordinaryong siyudad ang pupuntahan namin.
At panigurado ako na sa lugar na ito ko matutuklasan kung sino bang talaga ako. Sino si Ymiera Galea Dawn?
O iyon ba talaga ang tunay na katauhan ko. Hindi ko alam.
"A-anong gagawin nila sa atin? P-papatayin ba nila tayo?" Nauutal at medyo mahinang umiiyak na saad ng babae sa katabi niyang lalaki.
Nasa likuran nila ako. Pinili ko ang pinakadulong upuan para lumayo sa kanila, kaso hindi rin pala.
Ang iingay pa rin at masyado silang advance mag-isip. Hindi ko alam kung ano bang meron sa akin, pero ramdam ko na walang mangyayari sa mga nilalang ito. Sinadya talaga ng mga bumili ang lahat.
Alam kong sa pupuntahan naming lugar, makukuha na namin ang kalayaan—este nila pala. Kahit na ganon si Henrico, wala siyang mapapala o panama sa akin. Mapa**y ko pa siya.
Panigurado na sobrang saya ng matandang 'yon na wala na ang pasakit sa buhay niya. For almost 20 years being with him, gusto lang niya na makaalis ako sa poder niya.
26 na ako ngayon, so bale 6 years old ako nang ampunin ni Henrico.
Pero nagpapasalamat pa rin ako sa taong 'yon sa pagpapalaki sa akin. Mabait pa rin naman kahit papaano si Henrico. Kapag may pera nga lang.
Pinagmasdan ko nang mabuti ang buong paligid. Humigit sa apatnapu't lima ang nakasakay sa bus na ito. Habang ang mga lalaking sumundo sa akin ay mga pawang na nakatayo at may minuto na maglalakad para i-check lahat. Pinapaalalahan ang mga babae na huwag umiyak dahil wala naman silang gagawing masama.
Kaso kung magsalita parang may balak pa rin naman.
'Walang kwentang magpatahan.'
Humigit sa tatlong oras na ang biyahe namin. Hanggang ngayon wala pa rin kami sa lugar na iyon.
Puro puno ang mga nakikita ko. Wala man lang kahit ni isang mga bahay akong nakikita sa paligid. Sinadya talaga nila na malayo ang kanilang kuta para hindi sila masira ng mga tao.
Napansin ko rin na walang nagbalak na umupo sa tabi ko. Kakasya ang 50 na katao sa bus na ito kung may lima pa silang binili na tao o nilalang na hindi ordinaryo.
"Pansin kong ikaw lang ang tahimik dito. Anong pangalan mo, binibini?" Tanong ng lalaking kaparehas ko ang kulay ng mata.
Berde. Pero may tattoo siyang dahon sa ibaba ng kanang mata niya. At may kwintas din siya na may palawit na letrang X.
Siya lang ang nangahas na umupo sa katabi ko—hindi lang pala siya kundi ang kamukha niya rin na may kwintas din na may palawit na Z. Ganon din ang kulay nito gaya sa kakambal.
Tinapunan ko muna sila ng tingin bago ibaling ang tingin sa bintana.
"Mukhang suplada ata ang nakuha natin sa La Sierra Tividad. Huwag kang mag-alala, kambal, makikilala rin natin siya pagdating sa paroroonan natin." Dinig kong usal nitong si Z sa kakambal bago ko mapansin na hindi na sila umalis pa sa direksyon ko.
Pumunta rin ang tatlong lalaki pa na kasamahan nila at nakisiksik sa pwesto namin. Ako na rin ang nag-adjust para lang makaupo silang lahat sa dulo.
"Kumusta na kaya si Revier?" Rinig kong tanong ng lalaki na nasa gitna sa kaliwa.
Anim kami, kaya dalawa ang nasa gitna namin. Ang mga kulay ng buhok rin nila ay magkakaiba kaya kung alam mo ang pangalan ng isa at ang kulay ng buhok niya, hindi na malabong maaalala mo ang pangalan niya.
Pero hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pinilit pa ng isa na umupo rito kung gayon naman na meron pang bakante sa unahan. Tsk!
Hindi naman sila payat na tulad ko. Ang lalaki ng katawan nila, hindi sila mataba okay? Sadya lang na kakaiba ang porma ng kanilang katawan. Basta! Hindi ko maipaliwanag.
"Magiging ayos din siya. Saka konting oras na lang malalaman na natin ang kalagayan niya. Bakit ba kasi tayo pa ang inutusan?" Reklamo naman nitong katabi ko.
Nasasagi pa niya ang kaliwang kamay ko na ikinaismid ko na lang ng aking mga mata.
Napaisip na lang ako na pagmasdan ang labas. Pinipilit na winawaksi ang mga pinag-uusapan nila na wala naman akong ideya kung sino ang tinutukoy nilang Revier.
Ang inaalala ko ngayon ay ang taong-lobo na 'yon. Hindi pa magaling ang sugat niya, masyadong malalim ang pagkakabaon ng mga kuko sa ulo niya.
Panigurado ako na dumaan siya sa labanan na hindi madali. Kung easy lang iyon sa kaniya sana hindi gan'on kalaki ang epekto sa kaniyang katawan.
Kaso baka may ginawang kadayaan ang kalaban niya kaya natamaan siya sa ulo. Kata**ahan na rin niya iyon.
'Nasa'n na kaya siya?' Tanong ng aking isipan bago magpalabas nang mahinang buntong hininga.
"Are you okay?" Tanong nitong katabi ko pero binigyan ko lang siya nang walang ganang ekspresyon.
"Ano bang nakikita mo? Tsk." Sagot ko naman sa tanong niya at muling ibinaling ang tingin sa bintana.
Hindi ko na rin pinansin ang mga kantyawan ng mga kasamahan nito dahil sa sagot ko. Wala rin namang kwenta.
Sana sa pupuntahan ko ay makita ko siya ro'n. Pero imposible rin dahil maraming mga pack ang nangangalaga sa bawat lugar na alam nilang pag-aari na nila. Hindi ko mabilang kung ilan, at wala rin akong alam na iba pa.
Tanging ang ‘Were Wood City’ lang ang may alam ako, iyon ang nakalagay sa isang tela na kinahihigaan ko.
Medyo clueless si Tang*ng Henrico kaya hindi niya nagawang alalahanin ang mga katagang 'yon.
Ilang taon na rin kasi ang nakalipas, sino ang makakaalala. Nasa akin din naman ang tela kaya alam ko.
"Andito na tayo. Mauna ang nasa unahan." Utos nitong katabi ko sa mga tao sa loob ng bus.
Gusto ko siyang sabihan ng kung anu-ano pero mananahimik na muna ako. Hindi ko pa alam ang buong paligid, at lalong-lalo na ang mga ugali nila. Mukha silang mabait pero hindi lahat ay ganon. Minsan nagpapanggap lang.
Nauna na ngang magsilabasan ang mga nasa unahan. Ang dalawa kasama ang nakisiksik sa amin kanina ay tumayo na rin para samahan ang bawat isa. Itong magkambal lang ang natira.
Maski rin ako. Nanatili akong tahimik at nakikiramdam. Tiningnan ko ang labas ng bintana, may nakikita na akong mga bahay na malayo sa isa't isa. At mga puno na sa kagubatan lang makikita. Bawat bahay ay may mga puno.
At nang lumingon naman ako sa kanang bahagi ay nakita ko rin ang gawa sa kahoy na tarangkahan sa loob ng Were Wood City. Hindi basta-bastang kahoy ito dahil matibay at mahirap wasakin.
Kaya imposible talaga na makatakas ka sa lugar na ito na hindi dadaan sa direksyon na ito.
Pero wala akong balak umalis. Hanggat wala akong nahihinuhang sagot, hindi ko lilisanin ang Were Wood City.
"Labas ka na. Ayokong pilosopohin mo ako kaya ako na ang mag-a-adjust." Biglang sabi ng lalaking ito sa aking tabi kaya napaharap naman ako sa unahan.
Wala na ngang katao-tao, kanina pa pala ako nagmamasid sa labas.
"Alangang hindi ako lalabas. Anong gagawin ko rito sa loob? Magpa-party? Tsk." Walang gana kong sagot dito na ikinatawa niya.
'May nakakatawa ba?'
" P'wede rin." He said before he smiled widely.
" Patawa. Mauna ka tapos susunugin ko itong bus para mas lalong exciting ang party mo. Bloody Party is h**l coming." Ngumiti pa ako nang demonyo saka tumayo na para maglakad palabas ng bus na ito.
Naramdaman ko rin ang pagsunod nila. Pero hindi ko na pinansin pa.
"You're different." Dinig kong usal ng kakambal nito na ikinangisi ko lang nang palihim.
'I know. I know. Sinabi rin 'yan sa akin ni Rexus.'
To be continued. . .