MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA Chapter 4: p*****t Alpha
YMIERA's POV:
"H-how did you know?" Gulat na gulat pa rin nilang tanong sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin maka-get over sa sinabi ko.
Magkambal ngang talaga. At mali ako sa naisip kong pangalan sa kakambal ni Zendev, akala ko talaga ay Xendev din ito. 'Yun pala ay Denver. Pero bakit letter X ang kwintas niya?
'Nevermind. Bakit ko ba inaalala ang pangalan ng kambal ni Zendev? Buhay naman nila 'yan at hindi akin.'
"Suntok gusto ninyo?" Inis kong tanong dito sa kadahilanan na kanina ko pa sinabi ang rason ko.
Napasimangot naman ang mga lalaki sa naging sagot ko. Wala akong pake.
"Hindi ka ba natatakot sa maaari naming gawin sa iyo? Lalo na't alam mo kung ano kami? At wala ka sa poder ninyo?" Nagtatakang turan nitong si Denver sa akin na ikinangisi ko nang palihim.
"Let see." Iyon na lang ang lumabas sa bunganga ko at hindi na nagsalita pa.
Kaya sila na lang tatlo ang nag-uusap ng mga kung anu-ano. Tungkol pala sa kalaban nila ang paksa.
May nakalusot na mga rogue sa loob ng Were Wood City at nilusob ang bayan na medyo malayo sa lugar na ito. Doon matatagpuan ang lahat ng mga matataas na establishment na kagayang-kagaya sa mundo ng mga tao.
"Always double check the security. Don't let the rogue ruined our peaceful life here. "
" Yes, Alpha. But how about you? Nabalitaan namin na masyado kang napuruhan sa laban ninyo ng leader ng rogue. Are you fine now? " Nag-aalalang tanong nitong si Denver sa kaniya.
Tinapik lang niya ang balikat nito at muling tumayo nang tuwid sa kaniyang kinatatayuan.
Pinapakita sa lahat na walang bahid ng anumang sakit sa bung katawan niya. Pero halata naman na may iniinda pa siya.
Magaling pala itong magtago ng nararamdaman. 'E di siya na!
'Haist! Kaya ayaw ko ng ganito 'e. Kung anu-ano na lang ang napapansin ko sa ibang tao.'
I have an ability to see, feel or hear everyone's thoughts, feelings and who/ what they really are. Pero minsan hindi ko ginagamit ang hearing ability ko kasi wala ng thrill sa buhay kung gagamitin ko man 'yon.
Kaso minsan ito na rin ang nagpaparinig sa akin kapag kailangan kong humanda sa maaaring mangyari sa araw na ito o susunod pa.
May hint na ako kung saan ba ako nagmula pero may parte pa rin na nagsasabi na hindi. Ewan.
Habang dumadagdag ang edad ko ang siya namang paglabas ng mga katangian na hindi ko sigurado kung anong klaseng nilalang ba ang mga tunay na mga magulang ko.
"I'm okay now. My nurse that time do her best to help me. Thanks for your concern, Beta Denver. Maaari na kayong umalis na dalawa at magpahinga. Hayaan ninyo ang iba na gawin ang kanilang mga duty." Turan nito saka itinuro pa ang pinto.
Hindi na nagdalawang-isip ang dalawa kundi ang mapayuko na lang sa gawi niya at naglakad palayo sa aming direksyon.
Si Denver pala ang beta nitong si Max kaya pala ganon mag-alala ang isang 'yon sa alpha niya. Baka mamaya i-ship ko pa sila sa isa't isa. Dakilang bl lover pa naman ako.
Kaming dalawa na lang pala ang natitira sa malawak at napakatahimik na bahay niya. Wala ba siyang pamilya na nakatira rin dito?
As in asawa o anak niya? Malay mo isa na pala siyang matanda na nagba-balatkayong bata pa.
"So, nice meeting you again, Ms. Ymiera. Can I call you, Eyra? "
" No. That name is only exclusive for someone else. " Mabilis kong sagot na ikinawala ng ngiti niya sa labi. " Saka pansin ko lang, bakit ngiting-ngiti ka sa akin, pero sa iba para kang sinaniban ng kablangkuhan? "
" Nothing, don't mind me, Ymiera. Sino naman 'yang animal na nagtatawag sa iyo ng Eyra? " May bahid ng galit sa boses niya na ikinataas ng kaliwang kilay ko.
"Problema mo? Saka hayop naman talaga siya, hindi ko alam kung makikita ko siya sa lugar ninyo. Kung ikaw ang alpha, may kilala ka bang Rexus ang pangalan sa pack mo? " Tanong ko rito nang hindi pinapansin ang emosyon na ibinibigay niya.
"Oh! Rexus! Hmm. . . yeah, dito siya matatagpuan pero masyadong mailap sa mga katulad ninyo. Maybe, in another day, you'll meet him." Ngumiti pa ito sa akin nang malawak para ipaalam sa akin na magkikita rin kami nito.
Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. Halata rin naman na totoo kaya ako na lang ang maghihintay kung kailan ba magpapakita sa akin si Rexus.
"I'll guide you to your new room." Pagbabago niya ng usapan na sinunod ko naman.
Hindi naman ako pwedeng magrereklamo. Siya ang nagbili sa akin at panigurado na sa bahay niya ako maglilinis.
Wala kasi akong nakikita na kahit anong katulong man lang na mag-aalaga sa kaniyang mala-palasyong bahay. Pero halata na ang ganda ng bahay niya at wala man lang kasapot-sapot.
Baka pinapaglinis niya ang mga kaibigan niya na pumunta rito kanina.
Nagsimula na kaming maglakad paitaas sa hagdanan. Sa second floor pala ang magiging kwarto ko.
Akala ko isa sa mga room dito sa ibaba.
Pero mas maganda na rin sa itaas. Baka sakaling may bintana, mahilig akong magmuni-muni tuwing gabi at kung minsan ay titingala sa kalangitan kung may buwan bang kabilugan na.
I don't know. But, masyadong weird talaga sa akin kapag nakaharap sa kabilugan ng buwan. May mga eksena akong nakikita na hindi ko pa naman na-e-encounter.
One of my ability again? Maybe?
"We're here. For now, you will sleep with me. Don't worry, there's two bedroom in my room." After he said those words, he pushed me to go inside.
Nakaramdam naman ako ng kakaiba sa aking kalamnan nang humawak siya sa aking kanang kamay. Animo'y may kuryenteng dumaloy papunta sa aking dibdib at may kung anong sumabog na naging dahilan para tumibok nang napakabilis ang aking pusong matagal ng walang buhay sa pagtibok.
Pero ipinagsawalang-bahala ko ang nararamdaman ko at pinasadahan na lang ng tingin ang buong paligid nitong kwarto niya.
Tama siya, may dalawang kama nga kaso magkatabi ito sa isa't isa. May dalawa ring lampshade na nakalagay sa mini table sa bawat kama.
Walang balkonahe na matatagpuan dito. Pero may mahabang bintana na gawa sa matibay na salamin at makikita ang kabuuan ng buong paligid. Maski ang kalangitan na kulay asul na asul at mga ulap na nagsisialisan.
Napalakad agad ako sa direksyong iyon. Pinagmamasdan nang mabuti ang salamin bago ko hawakan ito. Akala ko ay mainit dahil sa panahon sa labas pero laking gulat ko nang mapansin na hindi ito katulad ng inaasahan ko.
Malamig siya at sarap idantay ang aking ulo rito para mahimasmasan ang init sa pagmumukha ko.
"Do you like this place?" Tanong nitong si Max bago ko maramdaman ang braso niya sa aking kaliwang balikat.
Nasa kanan ko siya at nakaakbay naman ang kaliwa niyang kamay sa akin.
Nasagi pa ng mga daliri niya ang dibdib ko kaya napaismid ako.
"Ano bang magiging trabaho ko sa bahay mo?" Pagpapakawala ko sa mga naiisip ko.
Tiningnan ko pa siya pero hindi 'yung baling na baling ang aking ulo sa kaniya dahil maling galaw ko lang, mahahalikan ko siya.
Sobrang lapit kasi at ngayon ay ramdam ko ang pagngisi niya na parang nanloloko.
"Body Heater. Is that amazing? Like this one." Napanganga naman ako sa ginawa niya.
Hindi ko inaakala na gagawin niya talaga 'yon.
"p*****t! You're a p*****t alpha!" Malakas na sigaw ko at saka siya tinulak palayo sa akin.
Patawa-tawa naman siyang lumayo sa direksyon ko bago siya maglakad palabas ng silid.
"Sleep well, Eyra. And oh! I like how I squeeze your left mountain. I thought it's rough, but smooth like a marshmallow. By the way, I'm not p*****t, pero kung sa 'yo, maybe I am. Warning, I'm also possessive. Ciao!" Sabay ngisi pa nito na parang aso bago iwan ako na namumula dahil sa inis sa lalaking 'yon.
Pero bago siya tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang bulong niya sa sarili.
"Ang sakit ng ginawa niya. Ang lakas." Dama ko talaga ang sakit sa tono niya.
Kaso hindi ko na iyon pinansin pa at muling tumanaw sa labas ng bintana.
"Huta! Magbabayad siya sa paghawak sa iniingatan ko. Akala niya siya lang ang magaling, humanda kang Max ka, hindi mo kilala ang Ymiera na pinapasok mo sa bahay mo."
To be continued. . .