ROMINA'S POV “At anong nararamdaman mo sa ‘kin, Silvestre? Galit? Galit dahil ginusto ko ang papa mo? At nasasaktan ang p*********i mo dahil pumatol ako sa matanda, gano’n ba, ha!” gagad ko. Matalim siyang tumingin sa akin. Inubos niya ang alak at tinalikuran niya na ako. “Silvestre!” tawag ko, pero hindi niya ako nilingon. Alam ko naman ibig niyang sabihin. That he likes me. Pero, baka pakana lang niya iyon. At iyon ang ikinatatakot ko. Bumuntong–hininga ako. Bumalik na ako sa loob ng mansyon at umakyat na ako sa taas. Nakabukas ang pinto nang kuwarto ni Silvestre. Sumilip ako at patuloy pa rin siya sa pag–inom ng alak. “Why are you here? Matulog ka na para may lakas kang alagaan ang papa ko. Para, mahuthot mo lahat ng kayamanan niya,” matigas niyang sambit sa akin. Pumasok ako

