Lasing na yata ako. Paano’y hinayaan ko lang si Peter na pumasok sa apartment building namin. Hindi ko siya itinulak nang sumakay din siya sa elevator kasama ko. Dahil kaming dalawa lang ang nasa loob, binalot ng katahimikan ang apat na sulok ng elevaator. “Ayos ka lang?” tanong ni Peter, halatang nag-iingat. “Parang kanina ka pa tahimik.” Tumango lang ako. Pero ang totoo, nasa isip ko pa rin ang sinabi ng kaibigan niya sa coffee bar. That singer-guitarist, na ang pangalan daw ay Max, akala nito ay ako ang Miss SwiftRide ni Peter. At nang subukan pa nitong ikwento ang tungkol sa pa-DRIVER IS DEAF na note nung babae, halos palayasin siya ni Peter para lang mapatigil. Mula noon, iyon na ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Kahit ilang beses pang sinubukan ni Peter ibahin ang usap

