Pagbukas ni Peter ng pinto, bumungad ang pagkaway ni Lorenz. “Tol! Grabe naman! Nag-abala pa kayo,” nakangisi nitong saad. Nagulat ako dahil dapat nasa pa-farewell lunch siya sa kubo nila Lorraine. Kaya anong ginagawa niya rito? Nag-aalangan akong tumayo at lumapit sa pinto. Pagsilip ko, mabilis akong nakita ni Lorenz. Umaliwalas ang kanyang mukhang at akmang makikipagapir siya sa ‘kin nang humarang sa harapan ko ang likuran ni Peter. “Salamat sa pagpunta. Pwede kayong maupo kahit saan,” sabi ni Peter na nagpasalubong ng kilay ko. Sinong kayo ang tinutukoy niya? Umusod ako at muling sumilip sa labas ng pinto. Dito nasagot ang tanong ko. Bahagyang nalaglag ang panga ko dahil bukod kay Lorenz, nagpunta rin sa kubo namin ang iba pang mga taga-isla. Buong akala ko hindi sila makakapun

