Chapter 27 (Part 1)

1768 Words
"Tomorrow's Sunday. What's the weekend like around here?" maligalig na tanong ni Nikolai na kumuha ng atensyon ng lahat. Sakto ang pagbalik ni Peter. Hawak-hawak ang dalang wine bottle, naupo siyang muli sa tabi ko. Lumingon siya sa ‘kin kaya awtomatikong napunta sa ibang direksyon ang mga mata ko. Kasabay nito’y inabot ko sa kanya ang cellphone niya ng hindi nakatingin. Tuloy ay para akong nakuryente nang imbes na cellphone lang ay buong kamay ko ang nahawakan niya. Hindi ako sigurado kung aksidente lang ba ito o sadya – ngunit uminit ang buong mukha ko nang maalala ang lock screen niya. Umarte ako na para bang wala lang sa ‘kin ang nangyari. Isinuklay ko sa buhok papalikod ang kamay at nakinig sa pag-uusap ng iba. Nagsa-suggest ng mga island activities sina Reese at Lorenz. Ang ilan dito ay nagawa ko na kasama si Peter katulad ng swimming at hiking kaya nangiti ako. Kung hindi dahil sa kanya, alam kong hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob gawin ang mga ito. Habang tahimik na nakikinig sa kanila ay umihip ang malakas na hangin. Ramdam ang ginaw, napayakap ako sa mga binti. Mukhang wrong choice yata ako sa napiling outfit ngayong gabi. Sana nakinig ako kay Peter kanina imbes na nagpadala sa inis ko. “Si Pete ang maraming alam dito!” masayang turo ni Lorraine na mabilis nagbago ang timpla ng mukha; animo nakakita ng multo. Nakaramdam ako ng malambot na tela sa ibabaw ng mga balikat ko. Pagtingin ko sa tabi kung saan ito nanggaling, nagsimulang magsalita si Peter, "May misa bukas sa bagong tayong chapel. First mass dito sa isla. Pwede kang magsimba,” seryosong sagot niya sa tanong ng kapatid; para bang wala siyang ginawa para sa ‘kin ngayon lang. Kaya pala ganuon na lang din ang reaksyon ni Lorraine. Napatingin ako sa jacket na nasa balikat ko at dito lumawak ang ngiti sa labi. May kakaibang init akong naramdaman sa dibdib dahil sa simple gesture niyang ito. Akala ko hindi nangyayari ang mga ganitong eksena sa totoong buhay, lalo na sa babaeng tulad ko. Tuloy ay parang ibang mundo talaga ang islang ‘to. “Sounds right. Pero baka masunog ako sa misa,” biro ni Nikolai na nagpatawa sa iba. Nagkaroon sila ng ibang topic kaagad kaya akala ko umusad na ang pag-uusap. Ayon lang ay lumingon na naman sa ‘kin si Peter. Halos buong katawan niya’y sa direksyon ko na nakaharap. "Nagsisimba ka?" malumanay niyang tanong. Binukas-sara ko ang mga mata. Napaisip kung kailan nga ba ako huling nagsimba. Umikot ang tyan ko nang unang sumagi sa isip ko si Kyle. Nakagawian kasi namin noon magsimba tuwing Linggo at pagkatapos ay nagde-date kami – kung minsan ay kumakain sa labas, madalas nananatili lang sa condo niya o 'di kaya sa bahay namin. Tila nawala ang isip ko sa kasalukuyan. Kung hindi pa tumikhim si Peter ay hindi ako makakabalik agad. “Ah iba ang religion mo. It’s okay, I respect—” "Ah catholic ako. Tsaka… oo nagsisimba ako. May naalala lang," muntik pa akong mautal sa sagot ko. Hindi ko na idinetalye pa ang naalala ko. Ayaw ko namang pag-usapan pa namin ang ex ko. "Magsimba tayo bukas,” aya ni Peter habang nakatitig sa mga mata ko. “Ako?” pagkumpirma ko; dumoble ang bilis ng t***k ng puso. “Wala ng iba,” mabilis niyang balik. Hindi ko mapapansin na nagkaroon na pala kami ng sariling mundo ni Peter kung hindi pa ako nakarinig ng tuksuhan sa paligid. "Unang simba ngayon, unang binyag bukas!” dinig kong tukso ng isa sa mga kasama na nagpalaglag ng panga ko. Bakit naman napunta agad sa binyag ang usapan?! Magpoprotesta sana ako nang mapagtanto ang alam nila tungkol sa relasyon namin ni Peter. Bukod kay Nikolai, siguradong mag-asawa kami sa paningin ng ibang mga kasama namin. Kaya nakitawa na lang din ako. "Pwede naman! Ilan ba gusto niyo?" pagsakay ko sa biro nila. Imbes na wine ay dumambot na lang ako ng canned beer na mas madaling inumin. Bubuksan ko na sana ito nang makita ko ang pagpatong ng kamay ni Peter sa hawak ko. "Tatlo," sabi ni Peter sabay kuha at bukas ng beer ko bago ibinalik sa ‘kin. Nakatingin siya sa mga kasama namin. "Dalawang lalaki, isang babae. Apat kung kaya pa," pagbibigay pa niya ng detalye na nagpalaki ng mga mata ko. Samantalang nagpalakpakan ang iba. Biro lang ang tanong ko kanina kaya ‘di ako umasa ng sagot. Nagulat ako dahil talagang sinabayan ako ni Peter! Teka nga. Is Peter flirting with me now? Sabagay ay nakainom siya. Baka dala lang ito ng kalasingan at bukas kapag nahimasmasan na siya, babalik na ulit siya sa masungit at malamig na kidnapper na kilala ko. Napailing na lang ako bago uminom ng beer. Hindi ko na pinansin pa ang tungkol sa anak. Tutal naman ay nag-suggest sina Reese maglaro ng spin the bottle. “Spin the bottle? That’s too old. Let’s do Put a Finger Down instead,” singit ni Nikolai nang marinig ang gustong laruin ng mga kasama. Nagkatinginan at nagbulungan ang iba nang marinig ang suggestion niya. Mukhang wala silang ideya rito. Ang alam ko lang sa larong ito’y bubuksan at itataas ng lahat ang dalawang kamay nila. May sasabihin ang bawat isa na kapag applicable, you have to put a finger down. Kung sino ang matitirang may nakataas na daliri ang siyang panalo. Pero ang point naman ng larong ito’y mas magkakilala kami. Ipinaliwanag ni Nikolai kung paano laruin ang Put a Finger Down. Ang rule lang namin ay bawal ang follow up question at kapag naubos na lahat ng daliring nakataas, kailangang uminom ng hard liquor. Nagpalakpakan ang lahat bago nagsimula. Si Nikolai na ang nagprisentang mauna, “Put a finger down if you’ve had your heart broken.” Umawang ang labi ko sa mabigat niyang statement. Paano’y kakaumpisa pa lang ng laro! Nagpipigil siya ng tawa habang pinagmamasdan ang reaksyon namin kaya halatang sadya ang tanong niya. Nakabukas ang dalawang palad, tulad ng iba’y dahan-dahan kong sinarado ang isang daliri. Ganito rin ang ginawa nina Lorraine, Reese, at Lorenz. Pagtingin ko kay Peter, siyam na lang din ang nakataas niyang mga daliri. Malamang na-heartbroken na siya dahil kay Elle. “Put a finger down kung alam mong lumangoy!” sabi ng katabi ni Nikolai. Tuloy ay lahat kami nagbaba ng daliri. “E ng walang saplot?” pahabol nito na binabaan ni Reese ng daliri kaya natawa kami. Mukhang mabilis lang matatapos ang larong ‘to. Masyadong simple at generic ang mga naiisip nilang statements kaya applicable sa halos lahat sa amin. Lima na lang ang natitirang daliri ko when I realized it was Reese’ turn. Halata sa mukha niyang excited siya sa sasabihin at nalaman ko lang ang dahilan nang ibuka niya ang bibig. “Put a finger down if… nakipag-s*x ka na!” Lahat ay nagulat sa sensitive niyang tanong! Halu-halo ang reaksyon ng mga kasama ko – karamihan ay nagtawanan at agad tiniklop ang daliri, ang iba naman ay tahimik lang dahil virgin pa. Nahinto naman ako sa paghinga at parang naestatwa. Nang tingnan ko si Peter ay nabawasan na rin siya ng daliri. Pagbaling ko sa sariling kamay ay napalunok ako. Sa peripheral vision ko kasi’y ramdam kong may nakamasid sa akin. Hindi ko alam kung s*x na bang matatawag ang mga ginawa namin ni Kyle noon; ganuon din samin ni Peter. Ramdam ang pintig ng ulo’y kinuha ko na lang muna ang beer ko gamit ang kamay panlaro. Kunwari’y inosente akong naghintay ng kasunod na tanong. Umasa akong mas madali na ito ulit nang mapagtantong si Lorraine na pala. “Put a finger down if you’ve married your friend’s ex,” may diing saad ni Lorraine habang matalim ang tingin direksyon ko. Tuloy ay tumingin din sa ‘kin ang iba; halata ang pagtataka. Naghintay si Lorraine ibaba ko ang daliri ko dahil kay Elle, at nang hindi ko ‘to ginawa ay nagsalita pa, “Akala ko ba bawal magsinungaling sa larong ‘to?” reklamo niya kay Nikolai na tinawanan lang siya. “Come on! This should be a chill game; not an interrogation,” nakangising sagot ni Nikolai bago sinenyasan ang kasunod. Mabuti na lang at magaling makiramdam ang kapatid ni Peter. Ano kaya ang alam niya tungkol sa amin. Nagpatuloy ulit ng maayos ang laro hangang sa dalawang daliri na lang ang natira sa ‘kin at tatlo ang kay Peter. Si Lorenz na ang sunod na nagsalita, “Put a finger down if you have a dirty secret!” Nailing na lang ako dahil sino bang wala? Binaba ko ang daliri ko at kita kong ganuon din si Peter sa tabi ko. “What’s your secret, Pete?” tanong ni Reese; halatang tulad ko’y curious. “No whys,” simpleng paalala ni Peter kaya tuloy nadismaya ang lahat. Tinapik ako ni Lorenz dahil ako na pala ang sunod. May nakahanda na dapat akong statement pero pinalitan ko. “Put a finger down if you’ve finally moved on.” Move on from what? Ito ang naging tanong ng iba. Sabi ko na lang sa kahit saan. Kahit na ang totoo’y tungkol lang ito sa love life. Napatitig ako sa dalawang daliri ni Peter at nagdasal na bumaba ang isa rito. Gusto ko lang sana malaman kung tama ang hula ko dahil sa mga signs na nakita kanina. Kaya lang saktong nagliwanag ang phone niya na nakalapag sa buhangin. Kanina’y lock screen niya ang nag standout sa akin, ngayon ay pangalan ni Elle. Pinatay naman niya ang tawag pero hindi nito napahinto ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko alam na may koneksyon pa silang dalawa pagkatapos ng mga nangyari. Wala ring nabanggit ang kaibigan ko. Oo’t alam kong kasal na si Elle pero hindi ko mapigilang magselos at ma-insecure. Lalo na’t alam ko ang past nila. Mukhang mali nga yata ang mga signs na nakita ko. Paano’y nanatiling nakatayo ang dalawang daliri ni Peter nang siya na ang sumunod sa ‘kin, “Put a finger down if you’ve ever fallen in love with someone unexpected…” Nakatingin na naman siya sa ‘kin ng diretso. Anong gusto niyang palabasin sa nangungusap niyang mga mata? Palibhasa alam niyang may feelings ako sa kanya. Of course, I’ve fallen in love with someone unexpected – I’m in love with Peter, my kidnapper. Nag-iisa na lang na nakatayo ang hinliliit ko. At alam kong magsisinungaling ako sa lahat, lalo na sa sarili ko, kung hindi ko ito ibababa. Ngayong ako si Briar... anong gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD