“Akala ko may mga lakad kayo?” tanong ko sa mga kasama sa apartment nang pare-pareho kaming nahimasmasan mula sa pagtili at pagtalon. Narinig ko ang pag-alis nila kaninang umaga. Hindi naman na ito bago kung tutuusin. Ang ikinagulat ko ay pagbalik nila ng magkakasama. Tapos ay may mga dala pa silang pagkain. “Galing kayong party?” dugtong ko pa. Baka kasi ito ang dahilan kaya may uwi sila. Napahagikgik si Raya, sumisilip ang lubog sa magkabilang pisngi niya. Siya ang pinakabata sa aming lahat pero pinakamatangkad din. Akala ko modelo siya dahil nasa 5’9” yata ang height niya. Pero recent college graduate pala siya at ngayon ay nagtatrabaho sa family business nila. Si Raya ang unang housemate na nakilala ko. Nag comment ako sa social media post niya. Naghahanap sila ng makakahati sa a

